Posts

Showing posts from May, 2017

Paano mag manage ng mga empleyadong iyong pinamamahalaan

Maraming bagay ang nakakaambag sa pagiging matagumpay ng isang kumpanya o isang team, ngunit iisa lamang dito ang tunay na mabisa. Ang employee engagement and employee satisfaction ang pinakamalaking contributor sa success ng kumpanya at opisina dahil sila ang may pinaka malaking populasyon at kontribusyon. Ang pinaka productive the empleyado ay ang mga pinaka masayang empleyado at ang nakakaramdam ng pagpapahalaga. Ang mga sumusunod ay makakapag simula ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong mga empleyado: Positive morning habits Kahit pa masama at puno ng pressure natapos ang kahapo, maari mo itong baguhin at simulan ng maganda ang susunod na araw. Maaari mong simulan ng maganda ang umaga ng mga kasamahan mo sa pag papatugtog ng nakakaanyayang music, or batiin sila ng good morning. Pagtakda ng mithiin Kung ang mga empleyado mo ay parang nawawalan na ng gana sa trabaho, ito ay isang senyales na sila ay wala nang natututunang bago. Mag schedule ka one-on-one meeting kasama ng emp...

Mga tinatanong sa interview na nakatutukoy ng emotional intelligence

Sa paghahanap ng mga empleyado sa kumpanya, importante and mabisang pagpili upang maging matagumpay ang pamamalakad nito. Importanteng gumamit ng mga tanong kung saan makikilala mong mabuti ang iyong iniinterbyu. Ito ang ilan sa mga mabisang tanong upang makita mo ang level ng emotional maturity ng isang aplikante: Sino ang iniidolo mo? Dito mo makikita kung ano ang hinahangad ng aplikante at kung saan nya nakikita ang sarili na sa future. Makikita mo din sa mga sagot ng mga interviewee ang mga katangian ng mga taong kanyang iniidolo at kadalasan, ito din ang mga katangiang kanyang pinahahalagahan. Kung ikaw ay magsisimula ng sariling kumpanya, ano ang magiging core values nito? Ang lahat ng relasyon ay nagsisimula sa tiwala at sa mga kadugtong nitong mga katangian. Ang mga sagot sa tanong na to magbibigay ng idea sa intervewer kung ano ang mga values na pinahahalagahan ng aplikante. Kapag nag bago ang priorities ng kumpanya, paano mo ito mapapaintindi sa mga kapwa empleyado mo? ...

Limang paraan upang maging isang kaayaayang empleyado

Napapansin mo ba na wala ka masyadong nakakasama sa opisina at may mga usapang hindi ka naisasama? Ikaw ba ang tipo ng empleyadong mahilig lamang maging magisa? Sa tingin mo ba oras na upang ikaw ay makihalubilo sa mga katrabaho at makaroon ng mga kaibigan sa opisina? Sundin ang mga sumusunod na tips upang masimulan ang pagkakaroon ng kaibigan sa trabaho: Smile more and acknowledge your coworkers when you see them Nakakahawa at nakakagaan ng pakiramdam ang pag ngiti. Siguraduhin na ikaw ay laging may ngiti sa labi at masiyang pagbati sa lahat ng nakakasalubong. Take more time to get to know your colleagues Kilalanin ang mga katrabaho. Siguradong hindi ka nagiisa sa trabaho at may mga madalas kang nakakasama sa oras mo. Kumuha ng lakas at sila ay yayaing mag break upang makapag usap. Kilalanin sila tulad ng pag tanong kung ano ang hobbies and interests nila. Spend more time asking what others think Magandang baliktarin ang sitwasyon; kung ikaw lagi ang nagsasalita at nasusunod sa...