Mga tinatanong sa interview na nakatutukoy ng emotional intelligence

Sa paghahanap ng mga empleyado sa kumpanya, importante and mabisang pagpili upang maging matagumpay ang pamamalakad nito. Importanteng gumamit ng mga tanong kung saan makikilala mong mabuti ang iyong iniinterbyu.
Ito ang ilan sa mga mabisang tanong upang makita mo ang level ng emotional maturity ng isang aplikante:

Sino ang iniidolo mo?

Dito mo makikita kung ano ang hinahangad ng aplikante at kung saan nya nakikita ang sarili na sa future. Makikita mo din sa mga sagot ng mga interviewee ang mga katangian ng mga taong kanyang iniidolo at kadalasan, ito din ang mga katangiang kanyang pinahahalagahan.

Kung ikaw ay magsisimula ng sariling kumpanya, ano ang magiging core values nito?

Ang lahat ng relasyon ay nagsisimula sa tiwala at sa mga kadugtong nitong mga katangian. Ang mga sagot sa tanong na to magbibigay ng idea sa intervewer kung ano ang mga values na pinahahalagahan ng aplikante.

Kapag nag bago ang priorities ng kumpanya, paano mo ito mapapaintindi sa mga kapwa empleyado mo?

Sa lahat ng kumpanya may pagbabago, kailangan mong hanapin ang mga empleyadong kayang sumabay sa mga pagbabago at madaling makapag adjust and makakatulong sa pagpapadali ng pag andar ng mga pagbabago. Hanaping ang mga empleyadong marunong makisama at makibagay dahil sila din ang mabilis makasabay sa mga pagbabago.

Ano ang mga kasanayang pa ang dapat mong matutunan?

Ang mga usual na hinahanap sa model employee ay ang curiosity at kagustuhang mag improve at matuto. Ito ang mga katangiang makapagsasabi na ang isang empleyado ay gusting mapagaling pa ang pag tatrabaho at ang kanilang output. Ang mga taong walang maisagot sa tanong na to ay ang mga taong mataas ang pride at sa tinging nila wala na silang iba pang matututunan. Tanggapin ang mga taong gustong mag improve, at iwasan ang mga taong ayaw na matuto.

[Originally posted at CareerHub.ph]



from You're Hired http://ift.tt/2r31AG9
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss