Limang paraan upang maging isang kaayaayang empleyado
Napapansin mo ba na wala ka masyadong nakakasama sa opisina at may mga usapang hindi ka naisasama? Ikaw ba ang tipo ng empleyadong mahilig lamang maging magisa? Sa tingin mo ba oras na upang ikaw ay makihalubilo sa mga katrabaho at makaroon ng mga kaibigan sa opisina?
Sundin ang mga sumusunod na tips upang masimulan ang pagkakaroon ng kaibigan sa trabaho:
Smile more and acknowledge your coworkers when you see them
Nakakahawa at nakakagaan ng pakiramdam ang pag ngiti. Siguraduhin na ikaw ay laging may ngiti sa labi at masiyang pagbati sa lahat ng nakakasalubong.
Take more time to get to know your colleagues
Kilalanin ang mga katrabaho. Siguradong hindi ka nagiisa sa trabaho at may mga madalas kang nakakasama sa oras mo. Kumuha ng lakas at sila ay yayaing mag break upang makapag usap. Kilalanin sila tulad ng pag tanong kung ano ang hobbies and interests nila.
Spend more time asking what others think
Magandang baliktarin ang sitwasyon; kung ikaw lagi ang nagsasalita at nasusunod sa mga meetings, ugaliin naman ngayon na bigyan ng pagkakataon ang ibang katrabaho makapagbigay ng kanilang idea at mga suggestions. Maganda ring gawing ugali ang pagtanong sa mga katrabaho kung ano ang feedback nila upang malaman nila sila din ay pinakikinggan.
Become more helpful around the office
Kung tapos na ang iyong trabaho at wala ka naman ginagawa, ikaw mismo ang lumapit sa mga katrabaho at tanungin kung paano ka makakatulong sa kanila. Hindi naman kailangang malaking gesture ito, maari ito maging simple tulad ng pagkuha ng kape sabay ng pagkuha mo para sa sarili mo.
Give more compliments
Minsan, sa mga trabaho nating ginagawa, wala nang mas bibisa pa sa pag pawi ng pagod kundi isang sincere na compliment o isang taos pusong pagpapasalamat sa mga trabahong o achievements na nagawa.
[Originally posted in CareerHub.ph]
from You're Hired http://ift.tt/2rV5dMC
via IFTTT
Comments
Post a Comment