Paano mag manage ng mga empleyadong iyong pinamamahalaan
Maraming bagay ang nakakaambag sa pagiging matagumpay ng isang kumpanya o isang team, ngunit iisa lamang dito ang tunay na mabisa. Ang employee engagement and employee satisfaction ang pinakamalaking contributor sa success ng kumpanya at opisina dahil sila ang may pinaka malaking populasyon at kontribusyon. Ang pinaka productive the empleyado ay ang mga pinaka masayang empleyado at ang nakakaramdam ng pagpapahalaga.
Ang mga sumusunod ay makakapag simula ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong mga empleyado:
Positive morning habits
Kahit pa masama at puno ng pressure natapos ang kahapo, maari mo itong baguhin at simulan ng maganda ang susunod na araw. Maaari mong simulan ng maganda ang umaga ng mga kasamahan mo sa pag papatugtog ng nakakaanyayang music, or batiin sila ng good morning.
Pagtakda ng mithiin
Kung ang mga empleyado mo ay parang nawawalan na ng gana sa trabaho, ito ay isang senyales na sila ay wala nang natututunang bago. Mag schedule ka one-on-one meeting kasama ng empleyado mo at pagusapan ang kanyang mga plano at gumawa ng mga goals hanggang makamit ang kanyang mga plano.
Hayaang mag lakad ang mga empleyado
Nakakapagod at nakakapurol nga naman ang mahabaang panahong walang pahinga. Encourage mo ang mga empleyado mo mag break malayo sa kanilang work at mga computer. Hayaan silang mag lakad or mag kape sa labas ng opisina dahil malaki ang matutulong nito sa kanilang creativity.
Ipagdiwang ang tagumpay
Wala nang mas mabilis pa sa pagpapakita ng kahalagahan ng empleyado kung di ang pag sabi sa kanila ng diretso. Hindi kailangan ng magarbong selebrasyon para ipagdiwang ang tagumpay, as simple as “good job” kasama ng pagkamay ay isa nang malaking gesture.
Siguraduhing balanced ang trabaho at buhay bahay
Minsan sa dami ng trabaho, ito ay mahirap gawin at gampanan, ngunit ito ay isa sa mga importanteng sa productivity ng isang empleyado. Encourage mo sila na gamiting ang kanilang leaves and time off upang sila ay makapag pahinga at makapag relax.
[Originally posted at CareerHub.ph]
from You're Hired http://ift.tt/2rhpIFx
via IFTTT
Comments
Post a Comment