Ano ang Freelancing?
Define freelancer: Ang freelancer ay isang self-employed na tao karaniwang nag aalok ng services sa businesses kung saan maaring magkaroon ng multiple clients at any given time. Maraming mga services na maaring ialok ang freelancer depende sa nature ng business ng cliente. Kadalasan sa mga services offered ay ang marketing, copywriting, publicity, pagsusulat ng blogs, tech support, web design and programming, graphic design o financial support tulad ng bookeeping.
Ang freelance work ay flexible at maari kang magtrabaho sa sarili mong oras. Maaaring full or part time depende sa needs ng client. Kadalasang hindi taxable ang trabaho kaya’t ikaw na mismo ang magdedesisyon para maghulog ng personal contribution sa SSS. Hindi rin taxable ang freelance work. Ang kinabuti rin ng freelancing ay maaari kang mag set ng iyong sariling presyo mo sa cliente. Ang dami ng trabaho sa freelancing varies sa services na inooffer mo. Minsan may long term projects at may short term rin.
Advantages ng freelancing:
1. Madaling Simulan – maaring makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng network ng mga kaibigan o koneksyon. Maaari din mag post sa social media or gumawa ng LinkedIn profile para mas maadvertise mo ang services na iyong inooffer.
2. Affordable – karaniwang mayroon ka ng tools sa inooffer mong services tulad ng laptop at secure internet connection para makapag sulat ng blog or gumawa ng website ot maging tech support.
3. In Demand – sa digital age ngayon, kadalasan malaki ang need sa freelancers dahil ang ibang mga companies ay wala ng empleyado at dependent na sa mga freelancers para gumawa ng projects at ng trabaho para sa kanila.
4. Sarili Mo ang Iyong Oras – flexible ang freelance jobs at minsan lang may requirements sa oras kaya sarili mo at hawak mo ang oras mo. Ang sisiguraduhin lamang ay matutupad mo ang committed deadlines ng client mo.
5. Work Anywhere – maari mong gawin ang trabaho mo sa bahay, sa cafĂ©, at kahit pa sa beach habang nag babakasyon.
6. Pick your clients – ikaw ang pipili ng iyong clients na gagawan ng projects. Sa simula maaaring tanggapin mo lahat ng trabaho that comes your way para mapalawig ang customer base.
Disadvantages of Freelancing:
1. Can take time para makakuha ng clients – dahil nagsisimula ka pa lang, maaaring hindi ganoon kabilis makakuha ng mga clients na magpapagawa sa iyo ng projects.
2. Hindi Steady ang Income – dahil freelancer ka, depende sa pasok ng projects at clients ang iyong income. Kaya’t hanggang wala kang solid customer base, maaring maapektuhan ang iyong kita.
3. Multiple clients- ang pagkakaroon ng multiple clients or projects ay maaring maging stressful dahil kailangang imanage ito ng maayos para laging on time sa deadlines na ibinigay.
4. Mababang Sweldo – dahil bago ka lang sa freelancing, expect na babaratin ka or babayaran ka lang ng mababa sa simula. Habang nagkakaroon ka na ng regular clients at alam na ang quality of work mo, maaaring doon pa lamang makakapag haggle sa presyo at rates ng services.
from You're Hired http://ift.tt/2h1Rq5x
via IFTTT
Comments
Post a Comment