Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss

Mainit ulo ni boss at ikaw yung napaginitan nya. Anung gagawin mo kung sigawan ka nya at hiyain ka niya sa harap ng maraming tao?
Obviously, dahil boss mo siya kailangan mong magtimpi. Kahit nakakagalit din ang pagmamaltrato niya sa iyo. Kapag ganyan ang iyong work environment, nakakawalang gana talaga pumasok sa trabaho. Pero hindi yan sapat na dahilan para buweltahan mo ang iyong boss or umabsent ka nalang.
Bagamat hindi mo kontrolado ang pag-uugali ng iyong boss, kaya mo kontrolin ang iyong sarili. Meron mga taktik para makayanan mo ang isang boss na may topak.

1. Huwag mo sasalubungin ang galit ng iyong boss

Hindi ibig sabihin nito na iiwasan mo or tataguan mo ang iyong boss. Ang magandang gawin lang ay wala – wala kang gagawin! Kailangan kalmado ka lang at hayaan mo lang muna siya magwala. Wag ka magsalita or gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo later on. Pag mejo kalmado na si boss, tanchahin mo nalang siya bago ka magsalita. Magandang approach yung ulitin mo ng marahan yung mga sinabi nya para malaman nya na naiintindihan mo ang pinag huhugutan ng galit nya.

2. Intindihin mo bakit siya nagagalit

Hindi naman nagagalit ang boss kung walang dahilan. Mainam din alam mo anung klaseng boss meron ka. May tatlong klaseng boss.
Mayroong boss na emotional at nagwawala kapag frustrated na sya at walang control sa sarili. May boss na mahilig mag power trip, yung tipong dinadaan sa pananakot ang patakbo niya sa empleyado. Merong boss na trip lang nya manghiya or manlait ng tao.
Yung unang type of boss, yun ang tipong pagkatapos nya magalit kakalma na ulit at makakapagtrabaho na ng maayos. Kaya kailangan antayin mo nalang siya kumalma. Alamin mo anu yung makaka trigger ng kayang init ng ulo at iwasan mo gawin yun para di na siya magalit muli.
Yung pangalawang boss, mainam na approach sa kanya yung tatanungin mo kung anu ang gusto niyang gawin mo or mangyari. Yun na ang gagawin mo para di na siya magalit muli.
Yung pangatlo…sorry, wala na siyang pag-asa. Mainam maghanap ka nalang ng ibang trabaho o pumunta ka sa isang psychiatrist.



from You're Hired http://ift.tt/2u5Ohnl
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test