Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test
May mga trabahong nangangailangan ng board exam or licensure tests bago ikaw ay makapag practice ng nasabing propesyon. Ang pag take ng exam ay under sa Professional Regulation Commission.
Ano ang Professional Regulation Commission (PRC)?
Ang Professional Regulation Commission ay isang three-man commission na nakapailalim sa Office of the President of the Philippines. Ang kanilang mandate ay ang pag regulate at supervise ng practice ng mga professionals na kinapapalooban ng mga skilled workers sa Pilipinas. Bilang ahensya na in charge sa mga professionals, malaki ang responsibilidad nila sa pag develop ng mga professionals para sa commerce, governance, industry at economy. Ang Professional Regulation Commission ay naglalayong mag secure at provide ng isang mapagkakatiwalaan, reliable at progresibong sistema ng pag develop ng mga professionals na ang integrity at values ay solid at nirerespeto. Sinisigurado ng Professional Regulation Commission na ang mga competencies ng Filipinong manggagawa ay globally at par and competitive, at ang mga professionals ay committed paglingkuran ang mamayang Filipino at ang kanilang mga komunidad.
Ilan sa kanilang mga katungkulan ay Executive duty kung saan ang PRC ang ng eenforce ng regulatory policies and rules ng national government kasama na rin dito ang pag maintain ng professional and occupational standards and ethics. Quasi Legislative kung saan sila ang gumagawa ng mga batas or rules ng professional regulation. Once published ang rules, ito ay considered na may force and effect of law. Ang huli ay ang Quasi Judicial kung saan sila ang nag iimbestiga ng mga kaso ng mga examinees at ng mga professionals. Ang decision ng PRC sa mga kaso ay may kaparehong force and effect of law at tulad sa decision ng court of law. Ka level ng PRC ang Regional Trial Court. Kung ng lapse ang appeal sa isang kaso, ang decision ng PRC ang mananalitiling final at executory.
Ilan sa mga courses or professions na nagrerequire ng board exam ay ang mga sumusunod:
- Accountancy
- Aeronautical Engineering
- Agricultural Engineering
- Agriculture
- Architecture
- Chemical Engineering
- Chemistry
- Civil Engineering
- Criminology
- Customs Brokers
- Dentistry
- Electrical Engineering
- Electronics Engineering
- Environmental Planning
- Fisheries Technology
- Foresters
- Geodetic Engineering
- Geology
- Guidance Counseling
- Interior Design
- Landscape Architecture
- Librarians
- Master Plumber
- Mechanical Engineering
- Medical Technology
- Medicine
- Metallurgical Engineering
- Midwifery
- Mining Engineering
- Naval Architecture and Marine Engineering
- Nursing
- Nutrition and Dietetics
- Optometry
- Pharmacy
- Physical and Occupational Therapy
- Psychology
- Professional Teachers
- Radiologic and X-Ray Technology
- Real Estate Service
- Respiratory Therapy
- Sanitary Engineering
- Social Workers
- Sugar Technology
- Veterinary Medicine
from You're Hired http://ift.tt/2uzbwdF
via IFTTT
Comments
Post a Comment