Tips para sa Work-life Balance
Sa isang mundo kung saan lahat ay nakatuon sa pagtatrabaho, paano makakamit at mapapanatili ng tao na balanse ang buhay at trabaho at paano itinataguyod ng mga kumpanya ang ganitong pamumuhay? Sa panahon ngayon, ito ay hamon na masasabi. Bawat nilalang ay nagnanais na magkaroon ng isang balanseng pamumuhay. Upang makatulong sa mga negosyante, tagapangasiwa, at empleyado na magkaroon ng tamang balanse sa pamumuhay, narito ang ilang paraan upang makamit at mapanatili ang balanse sa buhay at trabaho. Maging bukas tungkol sa iyong mga pangangailangan Ang unang dapat gawin ng mga tao ay kilalanin kung ano ang tunay na mahalaga para sa kanila. Kailangan mo bang umalis sa trabaho nang alas singko ng hapon upang makapaghapunan kasama ang pamilya? Kung anuman ang gusto mo ay ipaalam mo ito sa kinauukulan. Mas magiging maganda ang inyong samahan kung naipararating mo sa kinauukulan ang mga gusto mo at kailangan gawin. Tandaan, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat. Kilalanin ang mga...