Kailan Mo Dapat Isumbong sa Boss Ang Hindi Naaangkop na Pag-uugali ng Kapwa Empleyado
Sa isang opisina, hindi mo nanaising mabansagang isang sumbungera. Ngunit may pagkakataon na mayroon kang katrabaho na pasaway o di kanaisnais ang pag-uugali sa loob ng opisina. Ito ang 5 dahilan kung kailan nararapat magsumbong sa boss:
1. May sinusunod kayong professional standards
Sa bawat organisasyon, mayroong handbook or guidelines tungkol sa asal profesyonal sa isang opisina. Kapag ang mga alintuntuning ito na nilabag ng katrabaho mo, kailangan mo itong ipaalam sa iyong boss. Hindi lang kapakanan mo ang pinoprotektahan mo. Kapakanan ng kapwa katrabaho mo at integridad ng opisina. Mabuting halimbawa nito ay ang sexual harassment.
2. Kapag alam mo na lahat ng detalye ng nilabag ng iyong katrabaho
Hindi ka maaring magsumbong sa iyong boss kung wala kang pinanghahawakang pruweba ng nilabag ng iyong katrabaho o mali niyang gawain. Isulat mo ang mga petsa at detalye ng mga pagkakataong me nilabag siyang batas or me ginawa siyang taliwas sa alituntunin ng kompanya. Kung may record ka na dokumento or CCTV footage, yun ang mainam.
3. Kapag nakokompromiso ang integridad ng isang kumpanya
Kapag alam mo na may ginagawang katiwaliaan ang iyong kasamahan, isipin mo na apektado nito ang iyong mga kliente at sariling kumpanya. Halimbawa, madalas masungit ang iyong ka-trabaho sa mga cliente. Negatibo ang magiging epekto nito sa pananaw ng kliente at posibleng mawalan kayo ng negosyo. Duon mo maaring tawagin ang pansin ng iyong boss.
4. Kapag gusto mong manatiling mapayapa ang iyong opisina
Kapag mahilig makipagbangayan o makipag away ang katrabaho mo sa ibang mong mga kaopisina, ito ay nakakagambala sa iyong pagtratrabaho. Kapag siya ay hindi nakaktulong or hindi nagcocooperate sa trabaho (minsan tamad, hindi pumapasok o hindi ginagawa ang mga pinapatrabaho sa kanya) malaking epekto ito sa inyong work flow. Maari mo itong isumbong sa iyong boss dahil lahat kayo ay apektado sa maayos na pamamalakad ng opisina.
from You're Hired http://ift.tt/2xlWuVj
via IFTTT
Comments
Post a Comment