Tips para sa Work-life Balance

Sa isang mundo kung saan lahat ay nakatuon sa pagtatrabaho, paano makakamit at mapapanatili ng tao na balanse ang buhay at trabaho at paano itinataguyod ng mga kumpanya ang ganitong pamumuhay? Sa panahon ngayon, ito ay hamon na masasabi.

Bawat nilalang ay nagnanais na magkaroon ng isang balanseng pamumuhay. Upang makatulong sa mga negosyante, tagapangasiwa, at empleyado na magkaroon ng tamang balanse sa pamumuhay, narito ang ilang paraan upang makamit at mapanatili ang balanse sa buhay at trabaho.

Maging bukas tungkol sa iyong mga pangangailangan
Ang unang dapat gawin ng mga tao ay kilalanin kung ano ang tunay na mahalaga para sa kanila.
Kailangan mo bang umalis sa trabaho nang alas singko ng hapon upang makapaghapunan kasama ang pamilya? Kung anuman ang gusto mo ay ipaalam mo ito sa kinauukulan. Mas magiging maganda ang inyong samahan kung naipararating mo sa kinauukulan ang mga gusto mo at kailangan gawin. Tandaan, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.
Kilalanin ang mga hangganan
Makakamit mo ang balanse kung kikilalanin mo ang bawat hangganan na iyong itinalaga. Ito ay mahirap sa simula pero kug may disiplina ay magagawa ng madali. Kailangan lang disiplinahin ang sarili at alamin kung itutuloy pa o hindi na ang isang gawain.

Gawing prayoridad kung ano ang mahalaga

Napakaraming tao ang labis na nagsayang ng kanilang mga oras at panahon sa mga bagay na hindi naman talaga mahalaga. Ang oras ang pinakamahalagang bagay sa buhay: ito ay isang bagay na hindi maaaring bilhin. Kaya huwag mag-aksaya ng oras. Tumutok at gawin kung ano ang talagang mahalaga.

Pindutin ang “off” button

Lahat ng makabagong kagamitan ay may “off” button. Gamitin natin ito. Huwag natin gamitin ang ating mga cellular phones kapag tayo ay kumakain ng hapunan kasama ang ating mga pamilya. Kapag nasa bakasyon, huwag magbukas ng email. Gawin nating kaaya-aya ang panahon na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.

Sa mga ganitong paraan ay makakamit namin ang balanseng pamumuhay.



from You're Hired http://ift.tt/2zml8aG
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss