Paano Matutugunan Ang Iyong Mga Deadlines

Monday palang at itinakda na sa inyo ang mga projek at trabaho na kailangan tapusin. Yung ibang trabaho ay madali lang , yung iba matagal tapusin. Paano mo matutugunan ang lahat ng mga deadlines mo? Eto ang ilan sa mga tips.

1 Maging specific kung kelan yung deadline. Sa ganitong paraan alam niyo agad kung ano ang trabaho na kailangan tapusin agad at paglalaanan ng sapat na panahon para matapos.

2 Makipag negotiate ng schedule. Marahil masmainan tapusin agad yung projek kaysa patagalin pa ito. Realistic ba yung deadline? Magbigay ng suhestiyon kung ano ang mga trabaho na pwede mo ipending para matapos ang mas mahalagang trabaho na may malapit nang deadline.

3 I-break down mo ang trabaho. Minsan ang isang malaking projek na may deadline sa Friday ay masmadali mong matatapos kung unti-unti mo siyang tapusin. I-breakdown mo yung maliliit na steps yung projek at isa isahin mo itong tapusin. Bago pa magFriday, ay halos tapus mo na yung projek.

4 Gumawa ka ng buffer. I-set mo ng masmaaga ang sarili mong deadline para may oras ka pa na extra kung may mga corrections or last-minute na adjustments.

5 Humingi ka ng tulong sa iyong ka-trabaho. Hindi ka naman bibigyan ng award para maging isang bayani. Mayroon kang teammates na kailanganan makipagtulungan sa iyo para matapos ang inyong projek. Kausapin mo ng mabuti ang iyong teammate at ibigay sa kanya ang ibang mga gawain na makakatulong sa pagtatapos ng projek.

6 Umpisahan mo na agad. Huwag na mag-atubili at magdelay ng pag-umpisa ng isang projek. Masmaaga ninyo umpisahan ang trabaho ng inyong team, mas maaga kayo makakatapos. Magfocus kayo sa madadaling steps muna para may natatapok kayo agad. Sa ganitong paraan mas magkakaroon kayo ng oras para talakayin ang masmahirap na aspeto ng inyong projek.



from You're Hired http://ift.tt/2xvYL0s
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss