Bakit Kailangan Mong Mag-Specialize
Marami sa atin ang kumukuha ng kurso o trabaho dahil yun ang sabi ng mga magulang o kaibigan nila. Nung nauso at naging in demand ang nursing, napaka laking porsyento ng mga nag enroll sa kolehiyo ay nag nursing, marami din ang mga nag shift sa mga courses nila para mag nursing, at mas marami naman ang mga naka graduate na at nag enroll ulit ng kolehiyo para mag nursing. Nung nag karoon ng mga call center, marami ang nag apply at nabigyan ng trabaho ditto, ngunit sa dami ng mga empleyado, naging mabilis din ang turn over, at absenteeism ang isang naging malaking problem ng workforce.
Marami ang naghahanap ng kanilang kalalagyan sa kanilang kumpanya, ngunit marami din sa mga empleyado ang kinakain na lamang ng sistema. Base sa mga eksperto, kung gusto mo maging successful sa opisina, hindi sapat ang mga kasanayan mong taglay. Kailangan mo din ng hunger or pagkagutom sa trabahong gusto mo makamit dahil ito ang mag bibigay sayo ng pagpupursige upang makamit ang tagumpay.
Paano mo nga ba naman makikita ang isang bagay na nasa loobin ng isang tao, paano mo malalaman kung may hunger nga ang isang applicant? Basahin ang mga sumusunod:
Anticipation
Ang mga taong may hunger ay makapagbibigay ng mga unexpected insights at mahihirap na tanong dahil sila ang mga taong binibigyan ng oras pagisipan ang mga bagay-bagay.
Talent
Dahil sa pagkagutom nila, makikita mo rin na may angking silang talent upang gampanan ang mga katungkulin nila na hindi madaling pantayan ng iba. Meron din silang ankin na kadagdagang enerhiya upang pagigihin or aralin mag improve ang kanilang mga kasanayan.
Passion
Makikita mo din sa mga taong may hunger ang kanilang passion sa trabaho at ang willingness gawin ang mga bagay na hindi madali para sa iba. Sila ang mga empleyadong magdadala ng kalahati ng workload ng team upang matapos at ma-meet ang mga expectations.
[Originally posted at CareerHub.ph]
from You're Hired http://ift.tt/2sgX9GP
via IFTTT
Comments
Post a Comment