Here are the differences between a CV and a resume
CV or Curriculum Vitae ay kadalasang inaakalang kapareho lamang ng isang Resume, ngunit lingid sa pagkakaalam ng karamihan, marami silang pagkakaiba sa isa’t-isa. Ang CV ay hango sa salitang latin na ibig sabihin ay “Course of Life”, at ang mga ito ay nag sasaad ng work history, summary ng mga kasanayan, background ng edukasyon, at mga experiences ng isang tao. Ito ay mas kadalasang ginagamit ng mga akademiko, o may mga doctorate upang i-lista lahat ng kanilang achievements at certifications.
Hindi lamang naman mga akademiko ang amaaring gumamit ng a CV, maari din naman ito gamitin ng mga naghahanap ng trabaho dahil ito ay isang detalyadong overview ng mga achievements ng isang tao sa kanyang buhay. Basahin ang mga pagkakaiba ng resume at CV upang malaman kung kalian sila mas akmang gamitin:
Resume
Ang tamang pag gawa ng resume ay depende sa mga trabaho at kompanyang ina-applyan. Lahat ng relevant information na makakatulong sa aplikante na maipakita ang lahat ng kanilang kasanayan at abilidad. Ang resume, ay ginagamit sa pag aapply according to each job description at ito ay mas focused at targeted.
Curriculum Vitae
Ang CV ang talaan ng lahat ng importanteng milestones sa buhay ng isang propesyonal. Dito mo maisasaad ang mga importanteng training, certification, awards, at karangalan na nakamit. Magandang gamitin ang CV kung ikaw ay nag aapply sa isang trabahon hindi mo masyado gamay ang posisyon o mga hinahanap ng isang employer. Kung ng Resume ay ginagawa na nakatarget sa mga trabaho at kompanyang gustong applyan ang isang CV ay isang tool na dapat updated para lagi kang handang i-abot ito sa mga prospects. Ugaliing mag ready ng soft copy sa iyong email or sa isang USB flash drive para mayroon kang kopyang madaling ma print or maipadala.
from You're Hired http://ift.tt/2sVkLDj
via IFTTT
Comments
Post a Comment