Mga Interview Questions Para Malaman Kung Bagay and Applicant sa Trabahong Pinapasukan
Culture fit o ang pagiging bagay ng isang tao sa kumpanya ay isa sa mga importanteng consideration para sa pagtanggap sa inaapplyan. Sa interview, kailangang magtanong ng questions na magpapakita kung tamang culture fit ang isang applicant. Ang culture fit, above all ang pinaka importanteng basehan ng pagtanggap dahil kadalasang hindi tumatagal at hindi rin nagiging productive and empleyado if hindi sila aligned sa mission- vision ng kumpanya. Basahin ang ilang mga katanungan para malaman kung culture fit ang isang applicant o hindi.
1. Ano ang una mong trabaho? Ano ang iyong natutunan doon? – Ang focus ng interviewer ay kung anong mga natutunan mo at experiences mo sa naunang trabaho.
2. Nakapag-delegate ka na ba ng mga tasks sa mga katrabaho dati? – Ang tinitignan dito ay ang potential leadership skills na mayroon ang isang applicant.
3. Bakit mo napiling magtrabaho dito? – Dito makikita kung ang values ng manager at ng company ay aligned sa applicant
4. Dumating ka ba sa point na hindi mo alam o kaya ang isang bagay? Ano ang ginawa mo para masolusyonan ito? – Ang resiliency at ang pagiging masigasig ang inaalam dito sa tanong na ito. Kung paano mo overcome ang mga challenges sa trabaho o sa buhay.
5. Sino ang pinaka inspirasyon at bakit? – Dito makikita ang values, behavior at work ethics dahil kadalasan kung sino ang role model ay dun pinapareho ng tao ang kanilang ugali.
6. Ano ang iyong mga hobbies? – ang hobbies ay nagpapakilala kung anong mga bagay ka passionate about.
7. Kung makakapag simula ka ng business, ano ito at bakit ito ang napili mo? – ang pagkakaroon ng vision sa business ay nagpapakita ng entrepreneurial skills. Malalaman kung ano ang values, creativity at innovation mayroon ang isang applicant.
from You're Hired http://ift.tt/2t1qVC5
via IFTTT
Comments
Post a Comment