Mga Paraan Para Iposisyon ang Sarili Para sa Promotion

Dalawang taon ka na sa trabaho mo pero hindi ka pa rin napopromote. Magaling ka sa ginagawa mo pero naiisip mo ang pagunlad at pag advance sa trabaho at naghahangad ng promotion. Ang pag quit ba sa trabaho ang solusyon? Of course not!

Madalas na naririnig natin na frustrated ang mga babaeng katrabaho dahil hindi nila nakukuha ang inaasam na promotion. Mas nakukuha ang mga lalaki sa promotion kaysa mga babae. Mas madalas rin ito lalo na sa women of color.

Regardless kung anong sitwasyon ka napapaloob, heto ang ilang mga tips na maari mong gawin para mapromote ngyong 2017.

1. Alamin kung ano ang power map- kailangan mong figure out ang mga key players sa organization kung gusto mong ipromote or advocate ang iyong sarili.

2. Explore ang mga options sa loob at labas ng workplace – ngayong alam mo na ang stakeholders at decision makers, palawigin ang iyong network of communication sa kanila. Hindi lang sa opisina kundi sa ibang mga organizations. Hindi ibig sabihing aalis ka sa trabaho mo pero importante na malaki ang iyong network para mas marami kang options.

3. Tama ang magtanong – mag schedule ng oras para sa pakikipagusap sa iyong boss para sa performance review at pag discuss ng iyong career pathing. Sabihin ang iyong mga plans for advancement at humingi ng payo kung ano ang kailangan mong gawin para maging successful. Huwag mahiyang magtanong.

4. Clear intentions – ngyong may venue ka na kausapin ang iyong boss, siguraduhing clear sa kanya ang iyong intentions na mag move up. Paint a picture ng mga plans mo at i highlight ang mga achievements mo at mga nacontribute sa pag unlad ng organization. Importante ito para makitaan ka ng potential. Hindi enough na sabihin mong gusto mong mapromote. Ilatag ng mabuti ang kakayahan at ang vision mo para sa kumpanya.

5. Sponsorship ng iyong boss – humingi at liwanagin sa boss mo kung maasahan mo siya na tulungan ka para i-sponsor na mapromote. Kung makukuha mo ang kanyang commitment at full support na magiging advocate sha para makuha mo ang promotion, ito ay malaking step para makamit mo ito.

Sundin ang mga tips na makakatulong sa iyo para mapromote. Isaisip na kailangang mong pagbutihin ang pag posisyon mo sa iyong sarili para sa career advancement.



from You're Hired http://ift.tt/2s11HRo
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss