Mga Simpleng Paraan Para Mag-Promote ng Bagong Negosyo

Marami ang nag pupursige sa pagtatayo ng kanilang business, ngunit marami din sa kanila ang nawawalan ng pag asa at sumusuko. Marami ang nagtataka at iniisip na baka nga swetehan lamang ang pagtatayo ng negosyo.

Sa panahon ngayon, ang mahirap na ang kompetisyon dahil ang mga customers ay nagiging demanding at marami nang available options. Ngunit marami na ding paraan upang maidala mo sa attention ng iyong target market ang iyong product, kailangan mo lang ng konting creativity. Basahin ang mga sumusunod na creative ways to market your products:

Cold-call potential leads

Nakatakot man na tumawag sa mga potential customers, pero ang paraan na ito ay matagal na ginagamit ng mga marketers upang ipaalam sa kanilang target market ang mga produkto nila.

Meet new customers at events

Pumunta sa mga events dahil marami na din ang mga taong gusto makakita ng mga bagong produkto at bagong negosyo. Maghanap ng mga ads ng mga expo at malalaking gathering ng mga negosyate at alamin kung paano ka makakapag register sa mga ito.

Start a blog about your business

Marami ang benepisyo na naidudulot ng internet, isa na dito ang mga website na nag ooffer ng free blog hosting kung saan maari mo imarket ang iyong negosyo at mga products. Maari mo pang kunan ng mga pictures at gawan ng mga review at videos ang iyong mga produkto.

Use Facebook ads to reach customers

Halos lahat ng taong gumagamit ng internet ay kilala ang Facebook. Ang website na ito ay maraming options na binibigay sa mga negosyante. Isa na dito ang Facebook ads at marami silang option na aboyt-kaya at hindi kamahalan. Maari mo din i-link ang blog mo sa iyong Facebook page upang makita ng maraming tao.

[Originally posted at CareerHub.ph]



from You're Hired http://ift.tt/2sNyPPt
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss