Move on na, Bes. Paano Malalaman Kung Time na Para Maghanap ng bagong Trabaho?
Hindi mo kailangan mag-stay sa isang trabaho kung hindi ka na masaya o hindi ka na productive. Kung pakiramdam mong nasasakal ka na sa iyong current na trabaho, baka time na rin para mag-update ka ng iyong resume at mag move-on.
Bago ka ma burn-out o ikaw pa ang i-let go ng iyong kumpanya, maiging maging observant at tingnan ang mga senyales na ito:
1. Palugi na ang kumpanya. Huwag antayin na tuluyang magsara o malugi ang kumpanya bago ka umalis. Maraming mga startups ang nagsasara bago mag ika 10 taon, kaya maging aware kung hindi na maganda ang lagay ng inyong kumpanyang pinag-tra-trabahuhan.
2. Walang growth. Kung limang taon ka na sa trabaho at iyon pa rin ang posisyon at job description mo, panahon na upang humanap ng ibang trabahong mas challenging.
3. Hindi maganda ang iyong relasyon sa iyong boss. There are people who really bring out the best in you, at mayroon din namang hindi nakakapag-motivate sa iyo. Kung hindi mo kasundo ang iyong boss o manager o pakiramdam mo ay hindi match ang kanyang management style sa iyo, makabubuting ikaw na lang ang umalis at humanap ng ibang kumpanya.
4. Hindi ka “belong”. Iba’t ibang klase ang tinatawag na company culture. Ngunit kung napapansin mo na lagi kang napag-iiwanan o hindi mo ka-vibes ang iyong mga katrabaho, isa ito sa mga bagay na dapat mong i-consider. Hindi ka magiging epektibong worker kung wala kang kasundo sa loob ng opisina. Kailangan healthy at conducive ang environment para makapag-trabaho ka ng maayos.
5. Lagi ka bang nagkakasakit? Maaring mahal mo ang iyong trabaho at boss at kasundo mo rin ang iyong mga katrabaho ngunit kung nagsu-suffer naman ang iyong kalusugan, hindi rin ito magandang pagtiisan. Minsan, nagkakasakit ang tao dahil sa layo ng byahe, sa polusyon sa field work, or sa mga shifting at night schedules. Tandaan na nag-iisa lamang ng ating buhay at kailangan pangalagaan ang kalusugan above all.
Ang limang mga sensyales na ito ay hudyat na dapat nang magsimulang maghanap ng ibang trabaho ang isang manggagawa.
[Originally published at CareerHub.ph]
from You're Hired http://ift.tt/2rGSHnm
via IFTTT
Comments
Post a Comment