Tips on How to Gain and Keep Respect in the Workplace
Respect is given. It is something that you cannot demand or ask for. Yan ang kasabihan na tunay na may katotohanan. Hindi ka pwedeng mag demand sa mga tao ng respect. Kusang binibigay ito. Lalo na sa trabaho. You gain the respect of your peers. Sundin ang mga helpful tips upang makuha mo ang respeto ng mga katrabaho.
1. Self Confidence – ipakita ang self confidence sa mga katrabaho. Ang pagpapakita ng passion sa ginagawa at kaalaman sa work ay ngpapahiwatig na ikaw ay capable sa work.
2. On Deadlines and Tasks – Laging maintain ang pagiging efficient sa trabaho. Don’t miss out on deadlines and gawin ang mga tasks ng maayos. Ang pagiging professional sa pagtupad ng mga deadlines at assigned tasks ay isang paraan to gain respect sa mga boss at katrabaho.
3. Show Humility- laging magpakumababa. Matutong umamin sa kamalian at tumanggap ng criticism kung mayron man. Don’t take it negatively but gamitin ito as learnings para hindi na magkamali sa susunod.
4. Have Patience – maging mapagpasensya sa mga co-workers. Hindi lahat ay pantay pantay ang learning curve kaya habaan ang pisi kung di man agad nakukuha ang tinuturo mo. Mas maappreciate ka ng katrabaho kung ikaw ay matiyaga at pinapakitang may tiwala ka sa kanilang kakayahan.
5. Respect co-workers Even if You Don’t Like Them – sabi nga nila, you can’t please evryone. Same goes sa workplace. Hindi nmn lahat ng tao at gusto mo or gusto ka. Pero you need to maintain that sense of professionalism na ikaw ay civil at respectful pa rin sa kanila.
6. Office Gossip – Don’t participate sa mga office gossip. Maaring ikaw ay mapagkwentuhan ng mga kaopisina mo pero huwag mo na sabihin o ipasa pa ang mga nalaman sa iba.
7. Give Praise When Warranted – Give praise when it is due. Ang pagcommend at pagbigay ng good comments sa mga magandang nagawa ng katrabaho. Ito ay nakaka boost ng kanilang confidence at makakatulong para ipagpatuloy nila ang magandang trend.
8. Share Knowledge – Dagdag respeto ang pagiging knowledgable sa trabaho. Ang pagshare ng mga kaalaman sa mga katrabaho ay makaktulong mag build ng camaraderie at nagpapakita na ikaw ay may tiwala sa katrabaho na maghandle ng mga bagong scenarios.
9. Be Neat and Organized – Panatilihing malinis at organized and iyong workstation dahil ito ay reflection ng iyong sarili. Lagi rin maging professional at malinis sa pananamit at sa kung paano mo dalhin ang iyong sarili.
[Originally posted at CareerHub.ph]
from You're Hired http://ift.tt/2s3bOqx
via IFTTT
Comments
Post a Comment