Women are the Best Bosses
Hanggang sa kasalukuyan maliit pa rin ang percentage ng women bosses sa workplace. Studies show na 5.8% lamang ang mga babae na humahawak ng CEO post sa S&P 500 companies sa U.S.A. Ngunit kahit na kaunti lamang ang mga kababaihan na may mataas na panunungkulan, ayon sa research ng BI Norwegian Business School, lumalabas na mas suitable ang mga babae na to take on leadership roles.
Sa research na ginawa, 2900 na managers ang sinurvey na nagfocus sa personality types at ang resulta ay mas mataas ang score ng mga babae kaysa sa lalaki sa 4 out of 5 leadership categories. Kinakailangan ng mga leaders na mag-generate ng income, increase productivity and gain more clients. Nakita sa study na ang mga kababaihan ay may mas mataas na ranking sa abilidad na mag lead with clarity, maging innovative at impactful sa pagpapatakbo ng business versus mga kalalakihan. Habang karamihan ay still may stereotyping sa mga roles ng mga kababaihan at naniniwala pa rin na ang mga lalaki ang mas suited sa pagiging leader, ang research na ito ay nagpapatunay na mas magaling ang mga babae dahil sila ay mas methodical, supportive, mahusay mag goal-setting, mas sociable, open, can clearly communicate, innovative at nag ta-take ng initiative sa mga bagay bagay.
Ang natatanging leadership compentency na ng score ng mas mataas ang mga kalalakihan ay ang emotional stability at ang kakayahang mag-handle ng work-related pressure. Ang resultang ito ay nag-su-suggest na ang mga kababaihan ay mas sensitive sa epekto ng mga highly emotional at high pressure na mga sitwasyon. Ang study na ito ay nagpapatunay na mas equipped ang mga kababaihan sa key leadership positions kahit mayroon silang kahinaan sa pagiging emotional.
Ngunit kung ico-consider natin, ang parehong qualities pagiging sensitive na lumalabas na kahinaan ng mga babae ay masasabing strength nila pa rin sa pagiging leader dahil ito rin ay ang pagiging sociable nila at supportive. Kahit ano pang kasarian ng isang candidate, importante na i-assess ang lahat ng facets ng candidate kung match ba siya sa pangangailan ng sa isang leadership role. Sa susunod na mag-hire for a leadership position, maaring tingnan mabuti at aralin ang mga application ng mga kababaihan ng mas maigi para makagawa ng mas informed decision sa pagpili.
[Originally posted at CareerHub.ph]
from You're Hired http://ift.tt/2rEP1kt
via IFTTT
Comments
Post a Comment