Dress Code: What to Wear

Marami kang maririnig na may “dress code” sa trabaho na istriktong pinatutupad ng management, pero alam mo ba ang iba’t ibang kahulugan nito? Basahin ang mga sumusunod para maging familiar ka sa mga ito.

1. Casual – Jean, shirt, or khaki at casual na mga blouse. May mga opisinang tumatanggap na ipabilang sa casual attire ang shorts at sneakers sa mga empleyado kadalasan tuwing Friday.

2. Business Casual – kapag sinabing business casual, kadalasan ang acceptable na pananamit ng mga lalaki polo shirt, slacks, khakis, at dress shoes. Hindi required ang tie sa business casual. Sa mga babae ay kadalasang nagsusuot ng slacks, polo shirt, blouse at dress shoes para sa business casual.
2. Business Professional – kapag business professional ang attire, dapat ay magdamit ng conservative na pananamit dahil gusto mong iproject na ikaw ay isang professional. Ang mga trabaho na usually nagsusuot ng business professional ay mga taga banking and finance at accounting at law firms rin. Ang mga babae ay kadalasang naka skirt or pant suit habang ang mga lalake ay naka blazer, suit pants, tie at dress shoes.

4. Business Formal – dress to impress ka kapag ikaw ay nagsusuot ng business formal attire. Ito ay upgrade sa kadalasang daily outfits sa opisina. Ang mga evening events, awarding ceremonies may require na mag business formal. Para sa mga lalaki, kailangang naka dark colored suit, silk tie, dress shirt na gagamitan ng cufflinks . Para sa mga kababaihan ang business formal attire ay kadalasan naka suit or blazer at skirt. Closed toe dress shoes ang kinakailangan para sa attire na ito.

Ito ang mga basic na dress codes na mayroon sa trabaho. Depende nmn sa employer kung ano ang gusto nilang ipatupad. Kadalasan ang mga opisina ay business casual mula Lunes hanggang Thursday at tuwing Friday ay casual attire ang pinapasuot. Kahit ano pang dress code ang mayroon, ang mas importante ay ang kalinisan ng iyong pananamit. Siguraduhing wlang butas o sira, mantsa, nawawalang button, at maayos ang pagplantsa nito bago suotin.



from You're Hired http://ift.tt/2t5v5bg
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss