How to Create Team Spirit

Sa kahit anong organization, sa trabaho, sa school, sa sports teams, importante ang team spirit. Ang team spirit ay ang feeling of camaraderie sa mga members ng group, na nagreresulta or nag eenable sa kanila na magkaisa at magtulungan, Kadalasan ito ay towards a common goal. Basahin ang mga tips kung papaano magkakaroon ng team spirit at mapanatili ito.

1. Mutual Respect – kahit sa ano mang relationship, una ang mutual respect sa isa’t isa para magkaroon ng maayos na pakikitungo sa kasama sa grupo. Respect sa mga opinyon ng isa’t isa. Respect sa beliefs, values, at respect sa pagkatao ng isang individual. Sa isang grupo, hindi lahat ng members nito ay pare-pareho ang oreintation dahil iba iba ang mga pinanggalingan estado sa buhay, background, pamilya atbp. Pero kung may mutual respect, hindi ito magiging balakid sa pagkakasundo ng team.

2. Include team spirit sa mission statement ng group or organization – maaring isiping hindi ganoon kahalaga ito ngunit ang pagkakaroon ng constant reminder sa mga tao ay importante para maintindihan nila ang kahalagahan ng team spirit at ito ay encouraged sa inyong grupo.

3. Reward Teamwork – kung naobserve na ang grupo ay talang maayos ang teamwork, bigyan ito ng reward or recognition for a job well done.

4. Team Building Activities – maraming mga activities at drills na maaring ipagawa sa mga grupo para mas maging bonded at close sila. Ang mga team building activities ay makakatulong na mas magkaroon ng malalim na understanding at importance sa team spirit.

5. Encourage openness and dialogue – kadalasan ang kawalan ng communication or pagiging open sa isang team ay nakakaapekto ng team spirit. Siguraduhing laging may open lines of communication sa team. Encourage na ang lahat ay libre mag voice out ng opinions, saloobin at mga ideas. Practice praise sa magagandang ideas or constructive criticism para sa mga dapat ayusin. Huwag maging negative sa feedback kundi laging icipin na ang feedback ay dapat constructive at makatutulong.



from You're Hired http://ift.tt/2sBT7YI
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss