How to Say Sorry Sa Boss Sa Pagkakamali Sa Trabaho

In the workplace at sa ating mga given tasks, minsan hindi maiiwasan na tyo ay magkamali or magkaroon ng error sa mga trabaho o ginagawa. At ang mga kamalian na ito minsan ay nagdudulot ng delay, problema o aberya sa work flow. Maaring maging financial, operational or maging morale issue ang epekto nito. Ngyon, paano ang gagawin mo pra maresolve ito? Unang una, kailangan maging open ka sa boss mo at akuin ang pagkakamali. Kailangan di shempre mag sorry dahil sa maling nagawa. Basahin ang mga tips kung paano gawin ito.

1. Kung may nagawang pagkakamali sa trabaho, accept responsibility sa pagkakamali at huwag ipasa o sisihin ang ibang tao.

2. Asses the situation at alamin kung anong extent ng damage na nagawa mong pagkakamali. Ano, sino, at alin ang mga bagay na naapektuhan sa error? Dapat alamin ito pra sa maayos na assessment. Halimbawa kung data entry ito, anong mga bagay ang apektado sa pagkakamali. May impact ba ito financially sa kumpanya, may mga delay ba itong idudulot. Apektado ba ang mga external customers o clients? Alamin at ilista ang assessment mo sa situation.

3. Icipin ang mga maaring solusyon sa mga problema at isulat ito. Magbigay ng specific na suggestions kung paano ito maayos, anong time frame ang involved pra masolusyunan ito. Sino sino ang kailangang lapitan na tao o department para maresolve ito if any. Quick fix lang ba ang kailangan pra maayos ang problema. Ito ay ilan sa mga kailangang i- factor in sa pagiicip ng resolution.

4. Lumapit sa boss at humingi ng sorry sa nagawang pagkakamali. Ilatag ang iyong assessment sa sitwasyon at ipresent ang nakikita mong maaring solusyon sa problemang naidulot. From here, makakakuha ka ng counselling at feedback galing sa boss mo. Maaring pasado na sa kanya ang solution na binigay mo or maaring mayroon pa siyang naiisip na solution sa problema na magagawa nya sa kanyang level na mas makakatulong maka resolve ng issue ng mas efficient para maiwasang lumawak ang impact nito.

Hindi sapat na humingi lamang ng sorry. Dapat ay prepared ka sa assessment mo at solution to the problem. Ito ay reflection ng professionalism at command responsibility sa iyong parte bilang empleyado. Mas maappreciate ito ng boss mo dahil alam niyang nagiisip ka at proactive na ayusin ang problema.



from You're Hired http://ift.tt/2tUW7nf
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss