It’s Your Time to Shine: Paano Ka Mapapansin ng Iyong Boss

Hindi masamang maghangad ng growth o advancement sa iyong napiling career o trabaho. Kadalasan, inaasam ito ng mga emplyadong may goals na gusting ma-meet sa kanilang buhay. Kasabay kasi ng promotion ang mas malaking sweldo, bonuses, at mas magagandang benepisyo.

Narito ang 5 tips para mapansin ka sa trabaho:

1. Take Initiative. Huwag mag-antay na utusan pa bago gumawa. Kung alam mong kaya mong gawin ang isang bagay, magkusa ka na at gawin ang assignment ng mahusay.

2. Be Creative. Think outside the box kapay may mga proyekto o assignment. Ang taong creative ay mas madalas nabibigyan ng pansin dahil ang pagiging malikhain ay isang talent at skill.

3. Be Proactive. Maging vocal sa mga suggestions at magbigay ng opinyong alam mong makakatulong sa inyong trabaho o proyekto.

4. Be a Follower Too. Ang pagiging mabuting tagasunod ay isang sinyales ng isang magaling na empleyado.

5. Be Dependable. Pumasok sa oras at wag maging pala-absent. Magpasa ng mga assignment at report sa tamang oras, Kapag nakita ng management na maaasahan ka at responsible, mas Malaki ang iyong chances na ma promote.

Maging matyaga sa pag t trabaho at masigasig sa pagtupad ng iyong tungkulin. Pasasaan ba at makikita rin ng iyong boss na karapat-dapat ka para ma-prmote.



from You're Hired http://ift.tt/2stAaLW
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss