Kailan Kailangan ang Civil Service Exam
May mga trabahong nagrerequire na pasado ka sa Civil Service exam. Ito ay kadalasan konektado sa mga government positions sa Pilipinas. Una sa lahat, ano ba ang Civil Service exam?
Ang Civil Service exam or Career Service examination ay isang set ng exam para sa mga taong nais magtrabaho sa gobyerno sa Pilipinas. Karamihan ng mga posisyon sa gobyerno ay nagrerequire na pasado ang isang tao sa Civil Service exam. May mga level ang exams at depende kung anong exam ang kinuha mo, dun madedetermine ang iyong eligibility sa mga job openings na mayroon sa gobyerno. May mga trabahong inooffer sa iba’t ibang sangay o department ng gobyerno. Maaring ito ay sa local government sa munisipyo or sa iba’t ibang department tulad ng Department of Health, Department of Education at iba pa.
Sino ang mga pwedeng kumuha ng Civil Service Exam?
Ang mga taong pwedeng kumuha ng civil service ay mga Filipino Citizen 18 years old and above, hindi convicted, at hindi tinanggal sa posisyon sa gobyerno, at hindi rin kumuha ng same level ng Civil Service exam sa loob ng 3 taon.
Kung ikaw ay nagnanais na makakapag apply sa posisyon sa gobyerno, kailangan mong makapasa sa exam. May mga levels rin ng civil service exams. Ito ay ang professional at sub professional levels.
Kapag nakapasa sa sub professional level maaari kang magtrabaho sa first level jobs bilang clerk, sa trade, at custodial services na hindi nagrerequire ng college degree. Kung sa professional level naman pumasa, hindi lang mga first level jobs ka qualified kundi pati sa 2nd level jobs tulad ng professional, technical o scientific positions na requirement and may college degree. May mga regular posting sa mga websites ng mga sangay ng gobyerno kung saan makikita mo rin kung anong requirement ng Civil Service eligibility ang kailangan para mag qualify.
from You're Hired http://ift.tt/2tlceG9
via IFTTT
Comments
Post a Comment