Paano Magpaalam ng Tama Kung May Sakit

Kahit anong pag aalaga natin sa ating sarili, minsan, hindi natin maiiwasan ang magkasakit. Kung ikaw ay nagtatrabaho, importanteng magpaalam ng maayos at inform mo ang boss mo kung ikaw ay magaabsent dahil sa sakit.

Call in Sick

Kung ikaw ay may sakit na kinagabihan pa lang, ipaalam na agad sa boss. Tumawag or mag text para ipaalam ang condition mo sa kanya. Dapat maagap sa pag sabi sa boss mo para alam niya agad na mawawalan siya ng staff dahil ikaw ay liliban sa trabaho.

Pending Tasks

Maliban sa pag papaalam sa boss mo na may sakit ka, inform mo rin siya kung mayroon kang pending tasks or deliverables noon araw na ikaw ay mag aabsent. Importante ito para makasigurado na ang workflow at nga deadlines ay met kahit na wala ka sa opsina. Kung mayroon kang mga deadlines or dapat isubmit ng araw na wala ka, sabhin agad ito sa boss para malaman ang next course of action. Maari kasing idelegate ng iyong boss yung task mo sa iba kung hindi pwedeng idelay or i hold muna at gawin mo na lang pagbalik mo galing sa pagiging absent. Sa ganitong paraan makakasigurado ka na lahat ay magiging covered hanggang wala ka sa trabaho.

Check Up Results

Ipaalam sa boss ang resulta ng check up at ng expected return date based sa binigay sa iyo ng doctor. Karamihan ng mga companies ngyon ay may HMO kaya’t expected or required na magpa check up ang empleyado sa doctor para mabigyan ng tamang lunas ang sakit. Also, bibigyan ka ng doctor ng medical certificate na kailangang ipresent sa opisina pagbalik sa trabaho. Kung ikaw ay binigyan ng ilang araw off ng doctor, importanteng itawag agad sa boss ito para makapag plano siya ng mga gagawin sa opisina sa mga araw na wala ka.

Hindi dapat maging hadlang ang pagabsent mo para maging efficient pa rin ang workplace mo. Laging tandaan na importante ang pagbibigay ng notice sa boss kung ikaw ay may sakit at hindi papasok sa trabaho. Maliban sa ito ay tamang courtesy, maaappreciate ng boss mo na maagap ka sa pagsabi dahil makikita nya ang concern mo sa iyong trabaho at kumpanya.



from You're Hired http://ift.tt/2tF0NuK
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss