Paano Malalaman Kung Ikaw O Ang Kakilala Ay Workaholic

Kung ang trabaho ay kung saan kadalasan kang naglalagi, walang panahon sa pamilya o makihalubilo at magsocialize, at naguuwi pa ng trabaho, ikaw o maaring may kilala kang workaholic. Mahal mo ang iyong trabaho at maraming kang hinahawakang tasks o projects, maaari rin naman maliban sa trabaho sa opisina ay mayroon ka ring inaasikasong business na kumukuha or nagooccupy ng iyong oras. Ang oras mo na ginugugol sa trabaho ay mas mahaba kaysa oras para sa pamilya o kaibigan. Ikaw ay workaholic.

Ang mga Americans ay kadalasang nagtatrabaho ng mas maraming oras per week kumpara sa mga nakaraang mga taon. Dahil ito sa kakulangan ng workforce dahil sa downsizing at consolidation. Kaya’t mas gumugugol sila ng maraming oras sa trabaho dahil sa dagdag na workload. May mga studies na nagpapakita na 40% ng mga Americans ay hindi na nakakapag bakasyon sa pangamba na baka wala na silang mabalikang trabaho kapag sila ay umalis para sa bakasyon.

Parte ng issue ay technological na kahit saan ka pa mapunta ay hindi mo matatakasan ang emails, texts at fax kaya kahit pa weekend o asa bakasyon or leave ay andun pa rin ang pressure sa trabaho. Isa ring dahilan ay ang financial na aspeto na dahil sa panahon ngayon, ang success ay minimeasure sa dami ng pera at materyal na bagay kung kaya’t ang kadalasang focus ay ang magtrabaho ng magtrabaho.

Kahit ano pang dahilan, ang pagiging workaholic ay nagdudulot ng health problems dahil sa stress at pisikal na kapaguran sa sobrang pagtatrabaho.

Upang maiwasan ang pagkakasakit dahil sa sobrang trabaho, matutong maglaan ng “Me” time kung saan magdedicate ka ng oras para sa iyong sarili. Be it para lang matulog o magrelax maghapon sa kama, o magpunta sa spa or salon pra makapag rejuvinate sa sarili mo. Family time rin para masiguradong nababalanse mo ang oras mo sa mga taong nag mamatter sa iyo ng husto. Mag exercise rin para maging healthy. Matutong mag delegate ng trabaho sa iba at huwag akuin lahat ng responsibilidad. Ilan yan sa mga bagay na maaring gawin upang mabawasan ang stress at pagiging workaholic.



from You're Hired http://ift.tt/2ume1yh
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss