Take a Break: Bakit Importante Magbasakyon
Kung ikaw ay tulad kong workaholic, halos consume na natin ang buong araw na tutok sa trabaho, at kadalasan, hanggang sa paguwi ay baon pa rin natin ito. Kung ikaw naman ay full time housewife or house husband, burned out ka na rin siguro sa araw araw na routine ng pag alaga sa mga bata, pag linis at pagligpit ng mga kalat, pag prepare ng food, paglaba, plantsa at pamamalengke. Hindi rin biro ito pagdating sa pagod at stress an tulad rin ng mga nasa opisina. Lagi nating isaisip na minsan, kailangan din natin mag take ng break sa routine, sa stress at sa pagod. We need to treat ourselves to a break or vacation. Basahin ang ilan sa mga iportanteng dahilan kung bakit kailangan mong mag vacation or magpahinga.
1. Relaxation – take a break and relax. Hindi man tayo makapag bakasyon out of town, maglaan tyo ng kahit 1 araw sa isang linggo na magpahinga. Huwag magbukas ng laptop at gumawa ng trabaho. Mag pahinga at pumunta sa spa, sa salon o matulog ng matagal ng walang iniintinding gawain. Sa ganitong paraan, ikaw ay magiging refreshed at are rejuvinated.
2. Clear the mind – importanteng magbakasyon to clear the mind. Ang pag reflect or pagmumuni muni sa iyong bakasyon ay mahalaga upang mag recalbrate ka sa mga naiisip mo. Minsan kasi sa sobrang pagiging busy, nakakalimutan natin ang mga bagay na mas mahalaga tulad ng family, ng mga goals, at ng iba pang mga bagay na dapat ay maging focus natin. Ang pag clear ng mind rin ay makakatulog sa pag organize mo sa mga tasks at responsibilities mo para mas maging effective at efficient ka.
3. Socialization – importantanteng mag bakasyon para ikaw ay makipag socialize. Minsan sa sobrang pagod, hindi na tayo nakiki mingle sa mga pamilya o kaibigan. Automatic na pagkatapos ng isang hectic day ay tulog ka na lang agad at magigising para na lang pumasok kinabukasan. Ang pakikipag socialize ay nakakatulong sa iyong mental health at maging sa social ties and family life mo. Ang pag uukol ng time para sa bonding ay makakaalis rin ng stress at magdudulot rin ng saya sa iyo at sa mga tao that matter most.
4. Explore new things – kung ikaw ay magbabakasyon out of town, ikaw ay maaaring mag explore at maka tuklas ng ibang bagay that would pique your interest. Sa ganitong paaraan, maliban sa nag eenjoy ka, nasistimulate ang brain mo sa bagong kaalaman o natuklasan. This is a departure from your everyday routine kaya’t makakatulong ito sa pag enrich ng mga experiences mo.
from You're Hired http://ift.tt/2tLyaw0
via IFTTT
Comments
Post a Comment