Tamang Pag Manage ng Trabaho Para sa Mas Mabuting Buhay
Ang pag manage ng iyong trabaho ay ang pag manage na rin ng iyong buhay. Ayon sa mga top ranking CEOs at executives, ang pag gawa ng deliberate choices sa iyong career at trabaho ay makakatulong a iyo magbalanse ng career at buhay.
Ayon sa mga interviews na ginawa sa over 4000 na mga executives at CEOs, ito ang ilan sa mga alituntunin nilang sinusunod upang mapanatili ang work life balance.
1. Define Success- maaring mag iba iba ang definition ng success depende sa individual na involved pro ang common factor dito ay ang skill sa pag prioritize ng mga bagay bagay na makakaapekto sa trabaho at personal na buhay. Ang pag ayos ng mga priorities upang maiwasan ang conflict sa trabaho at pamilya or personal na bagay ay nakakatulong upang masiguro na maintained ang work life balance. Hindi man laging sumang-ayon ang sitwasyon sa iyo dahil sa mga emergencies or mga bagay na nangangailangan ng immediate attention, ang prioritization at pag hahati ng panahon sa work at pamilya ay maintained pa rin.
2. Technology – ang pag manage ng technology and where to draw the line kung hanggang saan ka cocontrolin nito ay makakatulong upang makamit ang work life balance na inaasam. Sa panahon ngayon, hindi mo na matatakasan ang trabaho dahil sa accessibility ng technological advances kung saan may emails, texts o tawag galing opisina or bahay. Technology can work both ways kung saan maari mong imanage ang ibang aspeto ng trabaho o personal na buhay remotely, or negatively kapag hahayaan mong maging alipin dito. Maaring gamitin ito sa pag dedelegate ng tasks at makapag monitor ng mga bagay bagay sa bahay man o opisina para lagi kang aware sa sitwasyon at handa kung kailangan.
3. Support Networks – para maging successful both sa work at sa personal na buhay, importante ang support system sa iyong buhay. Kadasalan sa executives na working moms, mayroon silang inaassign na mamalengke, magluto o gumawa ng mga gawaing bahay para kapag uwi nila galing trabaho, ang oras nila ay maaring gugulin to spend quality time with the kids or the husband. Same rin yan sa mga single individuals kung saan mas nagkakaroon sila ng quality time sa mga magulang o sa pag asikaso sa kanilang sarili. Malibang sa ganitong support, importante rin ang emotional suppport network para may mahingahan ng mga problema or kahit anong gustong ikwento para makapag release ng tension o stress sa trabaho o sa bahay. Minsan ang mga leaders ay kumukunsulta para magkaroon ng ibang perspective sa isang project or issue sa trabaho.
Ito ay ilan lamang sa mga tips kung paano makakasiguradong maintained ang work life balance. Kapag sinisiguro mong maayos at kontrolado mo ang iyong trabaho, maaaring mong imanage ng maayos ang iyong personal na buhay.
from You're Hired http://ift.tt/2uWDz6E
via IFTTT
Comments
Post a Comment