Teambuilding Activities Para Sa Opisina
Ikaw ba ay nag nanais na magkaroon ng team building event sa iyong opisina? Hindi kailangang gumastos ng malaki o maging kumplikado ang mga team building activities. Ang kinakailangan ay ang magkaroon ng structured activity para magakroon ng opportunity makihalubilo ang mga empleyado at magkakilanlan. Pwede kang mag alok ng team building lunch, meeting or trip. Basahin ang ilang mga team building activities na maaari mong gawin.
1. Lunch discussions at team building groups – mag provide ng lunch para sa buong team. Mag assign ng empleyado at i-group sila para mag discuss ng nga work-related questions or topics. Mas maganda na random ang grouping para hindi lahat ng magkakaibigan ang magka- team.
2. Take an employee to work day- magdala ng empleyado para dumalaw o magpunta sa ibang department. Maganda itong experience para sa empleyado para makapag observe ng mga ibang department. Sa pamamagitan nito, maaari silang magtanong ng questions tungkol sa trabaho at scope ng department. Matututunan rin nila at maiintindihan ang importance ng department sa organization. Dahil kilala na ring ng empleyado ang mga tao sa ibang deparment, makakatulong ito palawigin ang network sa opisina.
3. Mag ice breakers tuwing meetings – kung may bagong team, siguraduhin na may ice breakers na gagawin bago magsimula ng activities. Makakatulong ito mag create ng camaraderie sa team.
4. Provide group mentoring – karaniwan ang one on one mentoring or coaching sa opsina. Ang group mentoring ng senior manager ay makakatulong sa pagkakaroon ng bagong skills at strategies habang piangbubuti nito ang relationship sa team.
5. Sports or team events – mag sponsor ng sportsfest kung saan may iba’t ibang games na maaring salihan ng mga employees. Maaring magkaroon ng basketball, volleyball, marathons, at iba’t ibang group sports para sa empleyado. Hikayatin lahat sumali at idonate ang mga proceeds sa charities.
Ito ay ilan sa mga team building activities na makakatulong para maging mas maganda ang working relationships sa opisina. Maaari ka rin gumawa ng sarili mong activities based sa listahan na ito na fit at akma sa nature ng work sa inyong company.
from You're Hired http://ift.tt/2vOofX8
via IFTTT
Comments
Post a Comment