Tips Para sa Magandang Performance Review

Ang performance review ay ginagawa kadalsan quarterly, mid year at anually depende sa policy ng kumpanya. Ang performance reviews ay nagiging basehan ng salary increase or promotion or write ups depende sa kung anong assessment results mo. Kung iyong iisipin, ang ikakaganda o ikakabagsak mo sa performance review ay nakasalalay sa iyo. Kung maayos ka sa trabaho, then siguradong ipapasa mo ang review mo. Ngunit kung hindi, asahang may poor review ka na makakaapekto sa iyong employment.

1. Attendance and punctuality – importante ang attendance and punctuality mo bilang empleyado. Ito ay kasama sa performance review mo at maaring maging 20% to 30% ng appraisal scores mo. I plot ng maayos ang mga leaves para mamarkahan ka lang ng absent sa emergency situations. Siguradhing kumakain ng nutritious na pagkain sa tamang oras para maiwasang magkasakit. Ang pagliban sa trabaho ng mahabang panahon ay makakaapekto sa iyong productivity at sa stats mo.

2. Hitting your targets – sa lahat ng mga roles sa workplace, mayroong mga specific Key Performance Indicators or KPIs na dapat maabot o maachieve. Halimbawa, kung ikaw ay nagttrabaho sa sales, mayroon kang mga metrics na dapat ipasa tulad ng sales conversion or actual number of sales. Kung sa customer service ka, CSAT scores ang rating na mahalang ipasa. Ilan lang ito sa mga halimbawa ng mga KPIs na nakadepende kung anong line of business ka nakapabilang. Nasa 50% kadalasan ang mga performance numbers pag dating sa rating. Malaking chunk ng performance review ito kaya siguraduhing you hit or even exceed your targets para sa magandang appraisal.

3. Behavioral – lingid sa kaalaman ng nakararami, kasama sa appraisal ang behavior mo sa workplace. Dito kasama ang adaptability mo sa mga situations sa opisina, ang pakikitungo mo sa mga work mates at superiors, how you handle stress at iba pa. Hindi lang sapat na mataas ang stats at performance mo. Dapat ay well-rounded individual ka na kaya mo ring mag maintain ng maayos na relationship sa work. Kadalasan ang scoring nito ay hinahati sa iba’t ibang categories na in total ay pwedeng mag comprise ng 20% to 30% rin ng appraisal mo.

Ang mga performance appraisals ay inaabangan ng nakararami dahil ito ang pagkakataon mong mabigyan ng raise or pwede ring maging daaan sa promotion mo. Kapag poor performer ka, asahan mo rin na may kaakibat ito na consequence tulad ng hindi ka mabibigyan ng increase sa sweldo or worse, bigyan ka ng write up na maaring ikatanggal mo kung hindi ka mag improve. Bottomline, laging isaisip na you are the one who makes your results and no one else. Follow the tips above para maging aware ka sa mga bagay bagay na kasama sa appraisal at siguraduhing ipasa ang mga ito.



from You're Hired http://ift.tt/2sgXY1u
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss