Tips sa Attendance and Punctuality

Isa sa critical component ng kahit anong trabaho ay ang attendance at punctuality. Ito ay isa sa pinaka importante dahil dito nasusukat ang productivity ng employee. Importanteng nasa tamang oras ka pumapasok sa opisina. Kasama ito sa evaluation mo bilang employee na maaring makatulong o makasama sa iyong assessment. Ito ang ilang tips pra masigurong maayos ang iyong attendance sa opisina.

1. Matulog sa tamang oras – siguraduhing natutulog ka sa tamang oras at iwasan ang pagpupuyat para magising ng maaga pra sa pagpasok sa opisina.

2. Wastong nutrition – kumain sa oras at kumain ng masustansyang pagkain pra masiguro na maayos ang pangangatawan. Uminom din ng vitamins para iwas sakit

3. Paghanda ng mga gagamitin kinagabihan o isang linggo bago pumasok – mas maigi na nakahanda ang mga gamit at susuotin na damit kinagabihan bago pumasok para hindi magagahol sa oras pag umaga. Makakatulong to na hindi ka ma-late sa trabaho. Plantsahin ang mga isusuot ng weekend pra nakatabi na ito at kukunin na lang sa aparador.

4. Planuhin ang mga lakad o okasyon na kailangang magliban sa trabaho – imbis na mag absent, planuhin ang mga leaves at iapply ito ng ilang linggo o buwan bago ang actual date para makasigurado na sa iyo na ang scheduled leave slot pra sa araw o mga araw na gusto mong magbakasyon o umattend ng mga invites. Sa ganitong paraan, wala ka pa rin absent na magrereflect sa records mo kung lahat ng lakad mo ay planado. Magagamit or magakaka absent na mark ka lang kung nag absent ka dahil sa emergencies or kung nagkasakit ka.

5. Umalis ng maaga sa bahay- laging maglaan ng extra time para sa byahe papasok ng opisina. Sa ganitong paraan maiiwasan mo ang pagiging late. Sa mga opisina, maliban sa mababawasan ka ng bayad sa kung ilang minutes or oras na late, ay magrereflect din to sa attendance records mo. Ang pagiging madalas na late ay hindi magandang reflection sa work ethics mo. Kaya kung ikaw ay mag cocommute or drive to work, siguraduhin na nag allot ka ng time para sa inaanticipate mo na traffic at dami ng mga pasahero kung mag bubus, LRT or MRT. Advisable na makarating sa opisina 15 to 30 minutes bago ang time para may oras kang makapag relax at organize ng iyong gagawin for the day.

Ang punctuality ay hindi lamang sa tardiness kundi pati rin sa mga breaks. Huwag abusuhin ang breaks. Kadalasan dalawang 15 minute break within the day at 1 hour lunch ang allowed. Laging sundin ito dahil part pa rin ito ng productivity mo bilang employee.



from You're Hired http://ift.tt/2sB734s
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss