Tips sa Paghandle ng Work Related Stress
Common sa trabaho ang stress. Parte na ito ng buhay opisina. Ang konting stress ay nakaktulong magmotivate sa iyo and keep you competitive. Pero, kelan naman sobra ang stress? Kung ang stress ay nakakaapekto na sa performance, kalusugan o personal na buhay, hindi na ito nakabubuti sa iyo. Long hours sa opisina, tambak na trabaho, at deadlines, ay maaring magbigay sayo ng mga pangamba at takot na hindi mo na mahandle ang trabaho or maka cope sa lahat ng gawain. Ito ay magiging damaging sa iyong health at maaring magdulot ng sakit.
Ang kadalasang dahilan ng stress sa trabaho ay ang mga sumusunod:
- Takot na matanggal sa trabaho
- Maraming overtime dahil sa pagbabawas ng empleyado
- Pressure na magperform sa trabaho at i meet ang pataas ng pataas na expectations sa iyo
- Konti o wlang kontrol kung paano mo gawin ang trabaho (micromanaged)
Sundin ang ilang tips para malabanan o mawalan ng sobrang stress sa trabaho:
1. Talunin ang stress sa trabaho sa pakikipag-usap – minsan ang pakikipag-usap sa kaibigan, katrabaho o pamilya ay makakatulong para maibsan ang stress. Hindi mabuting itago at sarilinin ang problema. Maganda itong avenue para mag vent out at mapakinggan.
2. Alagaan ang sarili sa tamang ensayo at pagkain – pinakaimportante na lagi kang kumakain ng maayos at masustansya na pagkain. Gumawa ng paraan para makapag ehersisyo. Ang pag exercise ay nakakapagpasaya or lift ng mood dahil kapag tayo ay nag eexercise, nagpoproduce ang ating katawan ng endorphins. At ang endorphines ay tinatawag rin na happy hormones.
3. Huwag tipirin ang sarili sa pagtulog – siguraduhing sapat ang tulog araw araw para makapag trabaho ng mahusay. Ang kakulangan sa pagtulog ay may negatibong impact sa productivity,pag focus sa trabaho at problem solving.
4. Maging organized at alamin ang priorities sa trabaho – unahin ang mga importanteng trabaho para maiprioritize ng maayos ang mga tasks. Maging organized pag plano ng workload at pag schedule nito para laging mamemeet ang deadlines. Manage time wisely para nagagawa ang trabaho ng mahusay at within work hours para di na kailaganing mag extend after office.
5. Itigil ang masasamang practices sa trabaho- tigilan ang pagiging “nega” sa lahat ng bagay. Practice maging positibo ang outlook sa lahat ng bagay. Huwag kontrolin ang uncontrollable. Mag focus sa mga bagay na pwede mong macontrol at huwag magdwell sa mga hindi mo macontrol. Iwasan maging perfectionist para hindi mastress. Siguraduhing may work life balance at hindi trabaho na lang ng trabaho. Take time off para makapag relax at unwind.
from You're Hired http://ift.tt/2uH60p0
via IFTTT
Comments
Post a Comment