Ang Maayos na Pananamit sa Opisina

Ang tamang kaayusan at pananamit sa opisina ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng magandang impresyon sa lugar ng iyong trabaho. Ang unang impresyon ay mahalaga at yun ang tumatagal sa isipan ng isang tao. Kaya’t importante na lagi kang maayos magdamit sa iyong opis. Kapag ikaw ay mukhang busabos hindi magiging maganda ang sasabihin ng iyong boss at mga katrabaho tungkol sa iyo.
Para manatiling maayos at mukang propesyonal sa iyong opisina, eto ang mga tips:
1. Magsuot ng mga damit na hango sa mga simpleng kulay tulad ng puti, itim, navy blue, grey or beige. Malamig sa mata ang mga neutral na kulay at propesyonal ang iyong impresyon kapag ito ang iyong suot. Kung masyadong pormal ang opisina nyo, magsuot ka ng “suit” or yung may pormal na jacket at kurbata na may matching na slacks at balat na sapatos.
2. Lagi kang maligo at magpabango. Siguraduhin malinis ang iyong ipin, kuko, buhok, mukha pati na ang sapatos.
3. Huwag maglagay ng kung ano anong bagay sa bulsa na mag-iingay tulad ng susi or barya. Iwasan maglagay ng gamit na magmumukang may bukol ang iyong bulsa.
4. Huwag kang manigarilyo, kumain ng kendi o ngumuya ng babol gum sa loob ng opisina.
5. Gumamit ng briefcase or portfolio kapag may daladala kang importanteng dokumento sa opisina. Iwasan na ilagay ang mga papel sa mga folder at iipitin sa kilikili.
6. Kung maiiwasan , huwag ka na magpatatoo sa katawan o mag-suot ng mga body piercings or hikaw sa ibat ibang parte ng katawan. Kung ikaw ay babae, maaring magsuot ng simpleng hikaw sa tenga. Limitahan mo lang sa isang pares na hikaw. Pag sobrang daming palamuti sa katawan magmumukha kang marumi at hindi propesyonal.
7. Gumamit ka ng konti lang na pabango at sapat na dami ng alahas. Nakakahilo pag isang bote ng pabango ang ilalagay mo sa katawan at umaalingasaw ka sa iyong paligid. Hindi nakakatuwa kung agaw pansin ka sa dami mong alahas na nakasabit sa katawan. Magmumukha kang Christmas tree.



from You're Hired http://ift.tt/2wOPS2W
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss