Ang Tamang Paraan ng Pag-Over Time

Ang akala ng maraming empleyado, ang madalas na pag-obertime ay nakakaganda ng kanilang performance. Sa isang banda, makikita nga naman ng management na masipag sila at mahilig magtrabaho. Mainam din ito sa empleyado dahil dagdag din ito sa sahod nila.

Ang hindi alam ng empleyado, dagdag gastos sa isang kompanya ang binabayad sa pag-ober time. Isa rin itong senyales na hindi kaya ng empleyado na ipagkasya sa isang araw ang nakatakdang trabaho nila. Malamang hindi namamanage ng mabuti ng empleyado ang kayang oras or kulang talaga sa empleyado sa dami ng trabaho.

Hindi rin maganda ang obertime ka ng obertime dahil kailangan mo din alagaan ang kalusugan mo. Pag pinag oobertime ka ng mahigit sa 40 oras sa isang lingo, hindi ka rin epektibong makakatrabaho sa regular na oras ng iyong trabaho. Malamang sobra ka nang pagod at aabsent ka din dahil sa sobrang fatigue.

Para masulit mo ang iyong pag-oober time, eto ang mga tamang gawin sa iyong pagtratrabaho.

1. Alamin mo kung ilang oras ka na nagtratrabaho

Ang sapat na oras ng pag-oobertime ay hindi lalampas ng 4 na oras sa isang lingo. Kung ikaw ay empleyadong mahilig mag-obertime, pwede mong hati-hatii itong 4 na oras na ito. Pwedeng 4 na oras lang na diretso sa isang araw na day off mo or gawin mong 1 oras pagkatapos mo ng 8 hours na regular work hours mo. Sa ganuong paraan, hindi ka masyadong ngarag sa kakatrabaho at may oras ka pa ng sapat na pahinga.

2. Alamin mo kung sulit ba ang kapalit ng obertime

Alamin mo kung me bayad ba yung obertime at kung magkano. Baka obertime ito na walang bayad ay wag kang pumayag. Kung may doble bayad naman pag nag-overtime ka at holiday, baka pwede mong pag-isipan kung sulit ang bayad. Baka naman mapunta lang lahat sa pambayad ng tax ang pinag obertime mo.

Tandaan mo na tuwing mag-oober time ka, kinokompromiso mo ang oras ng iyong pahinga at pansariling oras kasama ang iyong pamilya. Kailangan sulit ang bayad ng kapalit sa iyong kinokompromiso.



from You're Hired http://ift.tt/2ugSicX
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss