Ano ang Tamang Paraan ng Paghingi ng Bonus

Kelan nga ba ang tamang oras humingi ng bonus?

Pagkatapos mo gumawa ng isang mahalagang projek or may mga extrang trabaho pinagagawa ang iyong boss na hindi na sakop sa iyong job description, feeling mo kailangan mo na ng bonus. Lalo na kapag meron kang opismate na bumubuyo sayo na sa dami ng iyong ginagawa na pabor sa opisina ay nararapat na bigyan ka ng bonus.

Iba iba ang kultura ng isang opisina pagdating sa bigayan ng bonus. May mga opisina na hindi kayaaya na humingi ka ng bonus hanggat hindi sinasabi ng boss mo na me matatanggap ka sa extrang trabaho na ginawa mo. Sa ganung sitwasyon, hindi ka dapat humingi ng bonus ke boss kahit na suhesyon pa yun ng kasamahan mo.

Sa ibang opisina naman, nababanggit ang bonus kapag na-achieve mo ang kanilang goals (tulad ng sales quota, or numero ng oras ng required na overtime, walang umaabsent or walang late, perfect ang attendance, etc). Kapag ito naman ay na-achieve mo, dun ka pwede magfollow up sa boss mo kung may matatanggap kang bonus.

Hindi mo dapat pinaguusapan sa kapwa mo katrabaho ang halaga ng bonus na matatanggap mo. Una, dahil hindi ito ethical or tamang asal sa isang opisina. Pangalawa, baka hindi parepareho ang matatanggap nyo dahil iba iba naman ang achievements nyo. Basta sa usaping pinansiyal, dapat ay tikom ang bibig mo.

Anu nga ba ang bonus?

Ang bonus ay karagdagan bayad sa iyo dahil sa extra na trabaho na iyong ginawa na over or above or higit sa hinihiling ng iyong trabaho. Isa itong “reward” or pabuya sa gratis or pasasalamat ng isang kumpanya “for doing a great job”.

Halimbawa, hindi lahat ng opisina ay nagbibigay ng Christmas bonus dahil hindi ito mandatory or sinasaad sa batas. Ang Christmas bonus ay dagdag bayad lang dahil nagtratrabaho ka pa para sa companya at nagkataon ay umabot ka pa sa empleyo nila noong pasko. Kung kayat ang Christmas bonus ay hindi parepareho ang bigayan. Minsan ito ay base sa haba ng panahon na nagtrabaho ka para sa kanila.

Ang dagdag bonus naman dahil sa extra na trabaho tulad na na meet mo ang iyong sales quota or natapus mo ang projek bago ito magdeadline ay mga halimbawa ng tipong bonus na gantimpala.



from You're Hired http://ift.tt/2vU6AjV
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss