Anung Gagawin Mo Kung Inagawan Ka ng Ideya ng Iyong Katrabaho

Matagal mong inisip yung konsepto. In fact, pinaghirapan mo ng mabuti yung naisip mong ideya para sa projek. Ngunit pagdating sa meeting, biglang yung katrabaho mo sinabing siya daw ang nakaisip ng konseptong ito. Nakakagigil di ba?
Malaking bagay ang makatanggap ka ng papupri at rekognisyon para sa pinaghihirapan mo sa trabaho. Kung kaya’t nakakayamot pag ang kaopisina mo pa ang umagaw sa rekognisyon na ito. Kapag nireklamo mo naman ito sa iyong boss, magmumukha ka lang reklamador. Kaya sa mga ganitong situwasyon kelangan ingat ka sa iyong magiging reaksyon.
So, anu ang gagawin mo? Hindi rin tama na dedma ka lang at wala kang gagawin. Eto ang aking mga payo.

1. Kausapin mo ang iyong officemate

Oo, mukang mas madaling may kausapin kang kaibigan sa opisina o katrabaho na kagaanan mo ng loob para ilabas ang iyong inis. Pero wala rin patutunguhan yan at hindi rin mareresolba ang iyong problema.
Kelangan malaman ng katrabaho mo na hindi ka “pushover”. Kausapin mo ng diretsahan yung kaopinisa mong yan para malaman nya na alam mo ninakaw nya ang ideya mo. Hindi mo naman siya kailangan sigawan or skandaluhin. Kailangan mo lang siya kausapin ng masinsinan para lang hindi nya ulitin sa iyo o kahit sa ibang tao ang ginawa nya.

2. Idaan mo sa pasimple

Kung hindi mo kaya komprontahin, pwede mo idaan sa pasimple. Kunwari ibahagi mo sa kanya na obserbasyon mo na magkaparehong magkapareho kayo ng ideya. Tapus tanungin mo ano ang opinion nya at ng ibang tao. Hindi mo kailangan ituro siya ng diretsahan na siya ay nangopya lang lalo na kung lagi mo siya nakakahalubilo. Sa ganitong paraan baka masalba mo pa yung matiwasay na pagsasama nyo sa opisina.

3. Mag-ingat ka nalang para hindi maulit ang sitwasyon.

Tanggapin mo nalang na hindi mo mababago ang pag-uugali ng mga ka trabaho mo. Pero me magagawa ka para hindi ka maisahan muli. Matuto ka nalang sa pangyayaring ito at mag-ingat ka sa susunod mong projek. Siguraduhin mo nalang na wala nang makakaalam ng mga “trade secrets” mo or yung mga ideya mong mahahalaga. Pwedeng magpadala ka ng update sa iyong boss tungkol sa progress ng projek mo bago pa ito makumpleto. Sa ganuong paraan, walang ibang taong makakaalam ng trabaho mo kundi ikaw lang at boss mo.



from You're Hired http://ift.tt/2uZdS2s
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss