Bakit Mainam Mag-uniporme sa Opisina
Maraming magandang bagay ang naidudulot ng pagsuot ng uniporme sa opisina. Pagtanggap mo ng isang trabaho, malamang ikaw ay pagsusuotin ng uniporme na nararapat sa iyong opis.
1. Tipid ka sa budget
Dahil may uniporme ka, hindi ka na magkaka problema kung ano ang iyong isusuot sa araw araw. Hindi mo na kailangan bumili ng bagong damit. Kung kasama pati sapatos, aba ang swerte mo dahil mahal yan. Minsan kasama sa sweldo mo ang “clothing allowance”. Iyon ay para makabili ka ng damit sa sang-ayon sa kanilang dress code na kadalasan kasuotan na ayon sa kultura ng opisina. Halimbawa, pwede itong office or dress casual. Maaring required ka nakasuot ng long sleeves na polo pero pwede ang maong or black na pantaloon at itim na balat na sapatos. Sa kababaihan naman, pwede itong simpleng palda na hanggang tuhod at blouse. May ibang opisina na nagbibigay ng t-shirt lang na may logo at bahala ka na sa maong. Kung hindi man, ang swerte mo kung katulad sa mga bangko na buong blouse at palda ang bigayan.
2. Tipid ka din sa oras
Ang uniporme kadalasan ay sinusuot sa isang particular na araw. Kaya hindi ka na uubos ng oras kakaisip kung ano ang isusuot mo sa araw araw. Maganda ito lalo na kung lagi kang nagmamadali sa umaga.
3. Meron kang “branding”
Ang mga uniporme ay kabalikat ng personalidad ng isang companya. Kung napapansin mo, ang uniporme ay may logo at kulay na unang kita mo palang alam mo kung san nagtratrabaho ang isang tao at kung ano ang binebenta nila. Halimbawa, ang isang server sa Jollibee ay nakauniporme na pula at logo ng bubuyog sa dibdib. Meron din silang sombrero na may logo ng “Jollibee”. Unang tingin mo palang, Chickenjoy na agad oorderin mo.
4. May seguredad ang opisina
Maraming pwedeng magpanggap na empleyado kaya para malaman ng isang opisina na empleyado ka nila, kailangan suot mo ang tamang uniporme. Alam mo agad sino ang empleyado or customer sa isang opisina lalo na pag parepareho ang unipormeng suot ng mga nagtratrabaho dun. Alam mo din agad sino ang manager at staff dahil naiiba ang suot ng mga may posisyon sa management kaysa sa mga nasa ranko lang.
from You're Hired http://ift.tt/2vvlo7i
via IFTTT
Comments
Post a Comment