Kailangan Mo Ba Talaga ng Sideline?

Oo, gipit ka sa pera kaya naiisipan mo rumaket o kumuha ng sideline. Para sa maraming tao, ang sideline ay solusyon para kumita ng extra para mapagkasya mo ang iyong pera sa araw araw na gastusin.

Pero, kailangan mo ba talaga mag dalawang trabaho?

Ang pag-sideline ay hindi makakatulong kapag ito ang naging dahilan sa iyong pagkasisante sa tunay mong trabaho. Bago ka pa humanap ng sideline, isipin mo muna kung may sapat kang oras para ditto.

Isulat mo sa isang notebook lahat ng iyong mga gawain sa isang araw. Kung may oras ka manuod ng 3 episodes na teleserye eh ibig sabihin lang nun marami kang oras ka pa para mag pangalawang trabaho. Pero kung dahil sa sideline male-late ka or aabsent ka naman sa regular mong trabaho ay hindi tamang magsideline ka pa.

Siguraduhin mo din walang polisiya ang kumpanya na bawal ka magsideline. Baka mahuli ka pa at masisante na walang backpay.

Sulit ba ang kikitain mo?

Ang hindi alam ng lahat ay ang buwis na kinakaltas ay lumalaki habang lumalaki din ang iyong kinikita. Kung lehitimo ang iyong sideline, kakaltasan din yan ng dagdag buwis. Baka naman hindi rin sapat yung kikitain mo sa sideline mo at mapupunta lang lahat sa pagbayad ng buwis. Doble na yung effort mo pero di pa din sulit sa kinita na pera. Baka mas sulit pa na kahit isang trabaho ka lang kung saan ka sumusweldo tapos pagkasyahin mo nalang or magtipid ka sa iyong gastusin.

Mas malaki ba yung kikitain mo sa iyong sideline?

Kahit hindi kalakihan ang kikitain mo sa iyong sideline, may mga magagandang dahilan bakit pwede mo siyang patulan.

  • May mga skills or karanasang pantrabaho ka matututunan sa iyong sideline na magagamit mo sa paghanap ng trabaho na mas malaki ang sahod. Maari mo rin magamit ang iyong sideline para makapag iba ka ng career na mas maraming oportunidad.
  • Masusubukan mong magtrabaho sa isang career na bago at kakaiba sa ginagawa mo ngayon.
  • Nagbibigay ito ng pagkakataon para ikaw ay makapagsilbi sa iyong communidad na hindi mo magawa sa iyong trabaho ngayon. Pwede rin itong magbigay ng oportunidad na ikaw ay makapagbiyahe or magkaroon na libangan na nagbibigay sayo ng self-fulfillment.


from You're Hired http://ift.tt/2vhbnub
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss