Mga Dahilan Bakit Nakakabuti ang Exercise Para Sa Iyo at mga Empleyado Mo

Ang pag-exercise is hindi lang nakabubuti sa iyong kalusugan. Malaki ang naitutulong nito para sa amo at kanyang mga empleyado.

1. Ang kalikasan ay magaling na mangagamot

Ang pag-exercise sa outdoors tulad ng jogging, pagbisikleta or paglaro ng mga sports tulad ng basketball or volleyball ay malaki ang naitutulong sa kalusugan ng mga empleyado. Ang lansangan ay nagbibigay ng kapaligirang nakakarelax at nakakatanggal ng stress. Kapag nabawasan ang stress ng isang tao, mas positibo ang kanyang mood at pananaw sa buhay. Masmasigla sila magtrabaho at mas episyente. Nakakabuti ito sa kanilang karir at iyong negosyo.

2. Ang pag-exercise ay mabuting alternatibo para maka-establish ng iyong network

Imbes na nagdidiscussion kayo ng negosyo sa isang mamahaling dinner sa restaurant, magandang alternatibo ang paglaro ng sports or mag-enrol sa isang gym. Halimbawa, maraming negosasyon ang napaguusapan habang naglalaro ng golf ang isang boss, empleyado or kliyente. Masrelax ang atmosphere kaya’t nakakapag-usap ng masinsinan. Sa isang gym or basketball court, makakilala ka ng iyong potensiyal na cliente or magiging boss or empleyado. At dahil kakampi mo sila sa team, nagkakaroon ng espesyal na relationship kung saan nabubuo ang pagtitiwala, pagkaalyansya at cooperasyon sa bawat isa.

3. Nabubuhay ang pagkamalikhain ng isang empleyado

Dahil malusog ang iyong mga empleyado sa exercise, magaan ang kanilang pakiramdam at lumalabas ang kanilang “creativity” or pagkamalikhain. Mas nakakapagbigay sila ng mga matitinong ideya sa mga diskusyon. Kapag nakapag eexercise sila, nagkakaroon sila ng pagkakataon para makapag isip ng magagandang ideya na makakabuti sa kanilang trabaho.

4. May “added value” ang kanilang trabaho

Bukod sa pagtanggap ng sweldo, na-aapreciate ng empleyado kung may concern ang isang kumpanya sa kanilang kalusugan. Ang pagbigay ng libreng membership sa gym (or kahit discounted lang) dahil ikaw ay empleyado ng isang kumpanya ay nagbibigay sa kanila ng pangangalaga sa kanilang kalusugan at “added value” or karagdagan halaga sa kanilang mga benepisyo sa pagka empleyo.



from You're Hired http://ift.tt/2wuNWio
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss