Mga Paraan Paano Mo Matutulungan Mag-ipon ang Iyong Mga Empleyado
Sa mga nakaraang dekada, nagbibigay ang mga kompanya ng sapat na pensiyon sa kanilang mga tapat na empleyado sa kanilang pagretiro. Sa ngayon, wala ng nagbibigay ng ganuong benepisyo pwera nalang ang pensiyon na makukuha nila sa SSS. Ang tanging magagawa na lamang ng mga employer ay turuan at tulungan ang kanilang mga empleyado kung paano ang mag-ipon para sa kanilang pagreretiro.
1. Bumuo ka ng paluwagan system
Ang paluwagan ay isang paraan kung paano makakapag-ipon ang isang empleyado para may pera siya kung sakaling may emergency or malaking gastusin na kailangang pag-ipunan. Sa Pilipinas, ang paluwagan ay isang systema kung saan lahat ng empleyado ay voluntaryong nagbibigay ng isang fixed na halaga at ito ay kinukulekta tuwing araw ng sahod. Pagdating ng takdang araw ng pagkubra, may isang empleyado na makaka-claim ng buong halaga. Sa susunod na schedule, ibang empleyado naman ang makakakubra. Karaniwan nasa usapan ng mga empleyado kung sino sino ang sasali at mga kukubra. Ang risk lang dito ay kung itakbo ng isang empleyado yung pera or magresign sa trabaho ang tagapangalaga. Kung kontrolado ng kumpanya ito, mas mapapangalagaan ang iniipon ng mga empleyado at mas may seguridad na makakapag-ipon at makakakubra sila.
2. Magpakita ng maggagandang halimbawa kung paano magtipid
Ang mga magagandang halimbawa kung paano makakatipid ay dapat nagmumula sa isang employer. Halimbawa, imbes na kumakain sa mamahalin na restaurant or mag-order ng take-out or delivery, magbaon ng iyong lunch sa opisina. Ipalaganap ang “carpooling” para makatipid sa pamasahe. Ang mga matitipid na pera sa mga gawiing ito ay pwede nilang ipunin bilang savings.
3. Bigyan ng discounts ang empleyado sa mga warehouse clubs or supermarket
Maari mong i-enrol ang iyong empleyado para may discount sila sa mga malalaking supermarkets or warehouse clubs para malaki ang matipid nila sa kanilang pang-bahay o pang-araw araw na bilihin. Matutuwa sila kung may SM advantage card, SUKI card ng Mercury, Laking National card, discount card sa Costco at iba pa.
from You're Hired http://ift.tt/2wb3k0S
via IFTTT
Comments
Post a Comment