Paano Hindi Maging “Awkward” Pag Kasama Mo si Boss
Normal ang maging “awkward” or naiilang lalo na kung kasama mo ang boss mo. At lalong nakakailang kung kayong dalawa lang at walang ibang kasama. Hindi kakaiba ang mailang kapag kasama ang boss dahil kelangan mataas ang self-confidence mo para hindi ka na-iinsecure.
Buti nalang merong mga tips para hindi ka maiilang sa susunod na makasama mo ang iyong boss na kayong dalawa lang.
Halimbawa #1: One-on-one na meetings
Ang primerong dahilan bakit kayo nagmimeeting ay dahil para pag-usapan ang trabaho. Hindi maiiwasan minsan magtatanong si boss na mga personal na topic tulad ng lovelife mo or politics. Kung hindi ka comportable pag-usapan mga bagay na yun, pwede mo siya i-divert sa ibang topic. Maghanda ka ng mga tanung na work-related. Ibalik mo ang usapan sa tungkol sa trabaho. Kunwari magtanung ka, “Kelan ko po pwede i-follow up yung suppliers natin?” Magfocus nalang kayo sa tunay na agenda nung meeting ninyo para me sense of accomplishment kayo pareho.
Halimbawa #2: Nagkasalubong kayo sa CR
Yung mga personal or konfidential na bagay bagay ay hindi dapat pinag-uusapan sa CR dahil hindi ka sigurado kung sino ang makakarinig. Ang banyo ay hindi kaaya-ayang lugar para makipag bonding. Sa ganitong pagkakataon, ngumiti ka na lang or mag “nod”. Gumawa ka nalang ng “small talk” at pagusapan nyo nalang yung weather, sports or i-compliment mo nalang yung suot niya na kunwari maganda.
Halimbawa #3: Kasabay mo sa elevator si boss
Anu sasabihin mo pagkasama mo si boss sa elevator? Or nakasabay mo paglakad sa hallway? Wag na wag mong tatanungin kung pumayat siya or tumaba siya like “Boss mukang pumapayat ka ah.” At huwag ka din maninirang puri sa kapwa mo katrabaho, tsismosa ang dating mo nun. Huwag ka din mag panic. Easy ka lang. Relax. Magandang mga tanung yung mga hindi kailangan ng simpleng sagot tulad nang, “Kamusta na po kayo?” or “Anu plano nyo this weekend?”
from You're Hired http://ift.tt/2viyjdk
via IFTTT
Comments
Post a Comment