Safety First sa Panahon ng Baha at Sakuna

Kapag may bagyo o iba pang sakuna tulad ng sunog o lindol, nararapat na i-secure muna ang sarili bago isiping pumasok o bumalik sa trabaho. Nararapat na ang isang empleyado ay aware sa mga dapat niyang gawin in case of emergency and untoward incidents.

Naririto ang ilang paraan upang maging handa:

1. Makilahok sa mga drills. Nagkakaroon ng emergency fire drills and shake drills ang mga buildings at offices at makakabuti para sa lahat na makipag-cooperate dito. Ang sinasabi nilang “duck, cover, and hold” ay isa lamang sa paraan ng pag p protekta sa sarili sa panahon ng lindol. Mabuti ring maging informed sa evacuation plan ng inyong building in case of emergency.

2. Maging handa. Be aware and alert at dapat maging magapagmasid sa iyong surroundings. Kung mapansing may sunog ay humanap ng pinakamalapit na fire exit at i-report agad ang incident.

3. Maging kalma. Hindi dapat magpanic sa panahon ng sakuna. Maging mahinahon at i-rescue ang mga importanteng files kung may panahon pa, at kung wala naman ay i-secure ang sarili at mga kasamahan. Huwag tumakbo habang bumababa ng hagdan at fire exit upang hindi magkaroon ng stampede.

4. Magdala ng first aid kit. Kung walang first aid kit sa opisina, magdala ng basi first aid kit sa iyong bag. Makakatulong ito sa panahaon ng sakuna. Magdala ng bulak, panlinis ng sugat, band-aid at gasa. Maglagay din ng mga gamot para sa sakit ng ulo, lagnat, high blood at iba pa.

5. Mag monitor. Kung masama na ang panahon ay wag nang piliting pumasok o magpunta sa opisina. Mas mahalaga ang kapakanan ng mga empleyado, maliban na lamang kung ang inyong trabaho ay kabilang sa mga disaster monitoring agencies.

Hindi maiiwasan na magkaroon mga emergencies or natural disasters. Kailangang maging handa, kalmado, at sensible sa mga ganitong pangyayari.



from You're Hired http://ift.tt/2vVeloA
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss