Ang Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Kapag Nagtratrabaho

Kung gusto mong mapanatili ang iyong trabaho, ito ang mga dapat mong gawin at hindi dapat gawin sa loob ng opisina.

  • Gawin mo ng maayos ang iyong trabaho.
  • Huwag kang maging kapansin pansin sa maling dahilan. Huwag kang reklamador.
  • Lagi mong i-update ang boss mo tungkol sa trabaho lalo na kung may natatapos kang malalaking projeks.
  • Huwag kang tsismoso o magkalat ng tsismis. Maging alerto ka lang sa lahat ng nangyayari sa opisina para hindi ka naman huli kung may “bad news”.
  • Magmagandang loob ka at mag-volunteer kung may bagong projek o tapusin ang mga trabaho na iniwan ng nasisante mong katrabaho. Gawin mo kahit dagdag sa responsibilad mo ito. Ito ay pagpapakita ng iyong concern sa negosyo at makakatulong ito sa pag angat ng iyong carir.
  • Huwag kang negatibo sa lahat ng bagay. Huwag ka lang OA at kunwaring sobrang masayahing tao.
  • Magfocus ka sa pag-maintain mo ng iyong certifikasyon at mag-update ng iyong skills. Kahit hindi naman ito kailangan pa ng iyong employer, makakatulong ito sakaling maisipan mong mag-apply sa ibang trabaho.
  • Huwag mag-agaw eksena. Mahalaga na malaman ng boss mo na mahusay ka sa trabaho pero hindi mo pwede agawin ang magandang trabaho ng iba. Huwag mo rin siraan ang kapwa mo katrabaho.
  • Pagpatuloy mo ang paggawa ng sarili mong network. Magandang marami kang kakilala sa loob at labas ng iyong opisina. Sakaling mawalan ka ng trabaho, maraming kang kakilala na makakatulong sa iyo sa paghanap ng ibang trabaho.
  • Dapat lagi kang may alternatibong plano. Kung sakaling tagilid ang negosyo ng iyong boss o may gusot ang industriyang iyong pinapasukan, dapat ay lagi kang handa. Kung magkaroon ng lay-off, alam mo na ang dapat mong gawin.
  • Kailangan ay laging bukas ang iyong isipan. Kung sakaling may mga pinagagawa sa iyo na hindi mo gusto or kaya, tanggapin mo nalang at isipin mo na oportunidad ito na may matutunan ka na panibago. Maaring makatulong pa ito sa iyo sa panandalian habang naghahanap ka pa ng bagong trabaho.
  • Huwag kang humingi ng dagdag sahod or ma-promote lalo na nakikita mong naghihirap sa pinansiyal na aspeto ang iyong opisina.


from You're Hired http://ift.tt/2wu7yPS
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss