Isang Pagsusuri: Maaring Maiwasan ang “Stress Eating” sa Trabaho Kung May Kumpletong Tulog
Ayon sa isang pagsusuri na ginawa sa University of Illinois at Michigan State University, maiiwasan ang “stress eating” habang nasa trabaho kung may sapat kang tulog. Ang “stress eating” ay ang labis na pagkain or lamon dahil sa stress.
Sa isang experimento, inobserbahan nila ang 235 na tsino na manggagawa. Ang pagsusuri ay nakatoon ang pansin sa isang grupo ng call center agents at IT workers. Ayon sa resulta ng experimento, and stress dulot ng trabaho ay nagiging dahilan sa paglakas ng kain ng mga empleyado. Kapag sila ay may sapat na tulog, itong masamang asal na ito ay naiiwasan.
Napansin ng mga mananaliksik na kapag ang mga empleyado ay nakatulog ng mahimbing nuong nakaraang gabi, kinabukasan ay may sigla at lakas sila para kayanin ang hirap sa trabaho. Dahil dito, nakakain sila ng normal at nakakaiwas sa kalabisang pagkain.
Si Yihao Liu, isang mananaliksik na galing sa University of Illinois, ay nagbigay ng mga dahilan bakit kumakain ng junk food ang mga stressed sa trabaho.
Ayon kay Liu, ang pangunahing dahilan ay ang pagkain ay isang aktibidad na nakakagaan ng stress at nakakatanggal ng mga negatibong mood. Natural sa isang tao ang iwasan ang mga negatibong damdamin at hanaphanapin ang maginhawang pakiramdam. Pangalawa, ang pagkain ng junkfood ay senyales ng pagkawala ng kontrol sa sarili. Kapag ang isang tao ay stressed sa trabaho, siya ay nawawalan ng control sa kanyang pagkikilos at pag-iisip na sumasangayon sa personal niyang layunin at panlipunang kaugalian.
Mungkahi ng mga mananaliksik, dapat ay ipatupad ng mga amo sa kanilang empleyado ang kahalagahan ng health management. Maaring mag-alok sin sila ng training para sa sleep awareness at gawing flexible ang kanilang work schedule. Kailangan i-evaluate ng taga-empleyo ang mga ipinamamahagi nilang food-related perks na nagsisilbi na pansamantalang remedy sa negatibong mood ng stressed na empleyado.
from You're Hired http://ift.tt/2fcsG7l
via IFTTT
Comments
Post a Comment