Kapag Magaling Ka Sa Iyong Trabaho, Hindi Ibig Sabihin Ito ay Madali Para Sa Iyo
Noong bata pa ako, mahilig na ako magsulat. Sa katunayan, laging mataas ang grades ko kapag ang assignment ko ay essays. Nanalo pa nga ako sa mga pagsusulat ng tula sa paaralan.
Nung tumanda ako, hindi ako agad naging writer. Nang dahil maraming nagsasabi na magaling ako magsulat, nagkaroon ako ng lakas ng loob at nagresign ako ng trabaho para maging isang manunulat.
Nakahanap ako ng trabaho sa isang pahayagan. Laking gulat ko ng isinulat ko ang una kong artikulo at ibinalik sa akin ito ng aking editor dahil marami daw akong pagkakamali. Maiyak iyak ako dahil alam ko naman na magaling ako magsulat. Bakit ang dami daming kong mali?
Nang ako naka kalma na, mayroon akong na-realize sa aking sarili. Kahit anong trabaho, kahit mukhang ito na ang trabahong nababagay sa kakayahan mo, ay mahirap lagi sa umpisa.
Kahit me talent ka, hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na magkakamali. Ang skills or kaalaman ay hindi ibig sabihin malaki na ang iyong karanasan sa trabaho. At kahit magaling ka, may talent at kakayahan, hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na matututo ng bagong kaalaman.
Isipin mo nalang na normal talaga magkamali para hindi ka nababagot sa iyong sarili. Lahat naman ay nakakaranas ng hirap sa umpisa. Ang paglago ng karir ay matagal at pinaglalaanan ng panahon at pag-aaral. At ito ay dumadaan din sa maraming pagkakamali at pagsubok.
Kayat wag ka na malungkot at wag mo sisihin sarili mo. Dapat ay bukas ka sa pagtanggap ng pagkakamali at bukas ang isipan mo na matuto ng bagong kaalaman. Huwag kang mayabang dahil alam mong magaling ka. Kahit anong galing mo, marami ka pa rin kailangan matutunan. Lahat yan ay pinagdaraanan ng mga matagumpay sa kanilang mga karir.
from You're Hired http://ift.tt/2x3D4sL
via IFTTT
Comments
Post a Comment