Kawalan ng trabaho possibleng dahil sa ‘di tugmang trabaho or “job mismatch”

Sa kasalukuyan, ang porsyento ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay nasa 5.6% para sa buwang ito at naglalaro sa katulad na numero ang karaniwang porsyento para sa taong ito, ayon sa PSA. Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang problema ng hindi tugmang trabaho ay maaraning magdulot ng pagtaas ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Ayon sa senador, ang mga kwalipikasyon na hinahanap ng mga maypagawa or may-ari ng negosyo, korporasyon at iba pa ay hindi tumutugma sa mga natapos na edukasyon at pagsasanay ng mga kabataan. Dagdag pa ng senador, maraming trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa loob at labas ng bans, ngunit hindi naman akma ang karamihan ng mga ito sa edukasyon ng mga tao.

Ano ang nararapat gawin para maibsan ang hindi pagkakatugma ng trabaho sa kurso or pagsasanay na natapos ng mga kabataan? Sa kabutihang palad, may mga paraan nararapat gawin ang mga kabataan upang makakuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay. Unang una ay maaari nilang alamin anong industriya ang nagtatagumpay at umuusbong sa kanilang lugar. Halimbawa, kung ang pobinsya o bayan kung saan ka nakatira ay may mga pabrika para sa semikonduktor at mga paggawa, maaaring pag-aralan ang kalakan ng industriya at magsanay upang tumaas ang tsansang magkatrabaho.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaan sa tulong ng CHED, DOLE at iba pang ahensya ay patuloy sa pamamahagi ng impormasyon patungkol sa industriya na may mataas na pangangailangan at makakabuti kung magiging mapagobserba at making sa mga balitang galling sa mga ahensya na ito. Ang pamahalaan naman ay ginagawa ang nararapat na paraan para maibsan ang problem ng kawalan ng trabaho katulad ng pagsisimula ng mga paaralan para lamang sa partikular na kalakalan. At nararapat din lamang na gawin din ang lahat ng kabataan na maging handa sila sa trabaho.

Kung partikular ang trabahong gusto katulad ng pagiging Siyentista, Inhinyero, Dentista, Doktor or anumang propesyunal, mataas and pangangailangan sa mga espesyalisyayong ito at nararapat ang patuloy na pag-aaral at pagsasanay.

Ang pagiging mapagobserba at pakikipagtalastasan o pagkakaroon ng “informed choices” ay makakatulong para sa mga kabataang naghahangad makakuha ng trabahong angkop sa kanila



from You're Hired http://ift.tt/2yAJhcX
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss