Mga 5 Paraan Paano Patibayin ang Iyong Relasyon sa Negosyo

Ang tagumpay sa buhay at sa negosyo ay hindi dahil sa iyong kaalaman kundi sa mga taong iyong kakilala.
Pagtinignan mo ang mga tanyag na tao, mapapansin mo na ang kanilang mga kaugnayan sa negosyo ay susi ng kanilang tagumpay. Kapag may mga malalim na koneksyon ka, mas nagiging matagumpay ang iyong negosyo.
Ang mga malalim na koneksyon ay hindi basta basta nakukuha na parang prutas sa isang puno. Ito ay pinaghihirapan para mabuo ang matibay na relasyon na pangmatagalan.

1. Maging Mapagbigay

Ang matitibay na relasyon ay nabubuo sa pagbibigayan. Kapag pareho kayo ng kanegosyo mo na nagbibigayan, nabubuo ang pagpapahalaga nyo sa isat isa. Nagkakaroon ng pagtitiwala na ang bawat isa ay may pakialam sa pakapanan ng kayang kapwa. Ang pagbibigayan ay maaring ipakita paraan ng pagbabahagi ng iyong kaalaman or skills, pagpapakilala sa potensiyal na cliente or referral, o simpleng nakikinig sa problema ng isa.

2. Makinig ng mabuti

Lahat ng tao ay gusting mapakinggan at maintindihan kung kayat ang pakikinig ng mabuti ay nakakatibay ng relasyon. Kapag ikaw ay nakikinig, pinapakita mo na tutoong interesado ka sa taong kausap mo.

3. Tratuhin mo ang ibang tao gaya ng gusto mong trato sa sarili mo

Alagaan mo ang iyong reputasyon. Dapat ay mabuti ang pagtrato mo sa ibang tao para makilala ka na maganda ang kalooban. Kahit anung paninira ng ibang tao,kapag ikaw ay nakilala na mabuti ang kalooban, hindi agad agad nasisira ang pangalan mo.

4. Ipagbunyi ang mga tagumpay ng iba

Kilalanin mo ang mga tagumpay ng ibang tao. Maaring batiin mo sila sa kanilang mga nagawa tulad ng pag-achieve ng kanilang goals. Kahit simpleng email or shoutout sa Facebook na “Congratulations!” ay maaapreciate nila.

5. Magfocus sa quality

Kahit anung gawin mo kulang talaga ang mga oras sa isang araw. Kayat ang mga matagumpay sa buhay ay hindi nagsasayang ng oras sa mga walang katuturan na gawain. Iginugugol nila ang oras nila sa mahahalagang tao lamang.



from You're Hired http://ift.tt/2gsKy1o
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss