Mga Bagay na Di Mo Dapat Sinasabi Sa Unang Araw ng Iyong Trabaho

Mag-iingat ka lagi sa iyong mga sinasabi sa loob ng opisina lalo na kung unang araw mo palang sa trabaho. Hindi mo masasabi kung sino ang makakarinig sa iyo. Maaring ang masasabi mo pa ay makakasama sa lagay mo sa trabaho. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga hindi mo dapat sinasabi sa loob ng opisina.

1. “Pacensiya na late ako.”

Una sa lahat, hindi ka dapat ma-late. Hindi excuse ang ma-trapik, or nasira ang MRT or kahit anung pa nangyari kaya ka na-late. Napakasamang impresyon ang late ka sa unang araw ng trabaho or kahit kalian pa man. Ugaliin mong magising ng maaga at umalis ng bahay bago ka pa abutin ng trapik. Huwag ka rin makikihalubilo sa mga kaopisina mo na may ugaling na-le-late.

2. “Wow, ang sexy ng receptionist!”

Kahit ang intensiyon mo ay paghanga ang ganitong kasabihan ay uri ng “sexual harassment”. Pwede kang makasuhan ng nakarinig sa iyo at hindi magandang pangitain ito. Mainam na itago mo nalang sa iyong sarili ang ganitong mga obserbasyon. Baka ang makarinig pa sa iyo ay Head ng HR o yung asawa ng babaing hinahangaan mo.

3. “Pwede ko ba i-check yung Facebook ko?”

Ang inaakala mong 1 minuto mo lang i-checheck yung Facebook mo ay di mo aakalain na kakain ng isang oras mo sa trabaho. Bago ka magcheck ng mga personal na bagay bagay sa internet, basahin mo muna ang iyong employee handbook tungkol sa company policy ayon sa pag social media. May mga kumpanya na hindi pinapayagan mag social media habang nagtratrabaho at baka maging dahilan pa ito sa iyong pagka sisante.

4. “Sa dati kong trabaho…”

Iwasan pagkukumpara ng trabaho mo ngayon sa dati mong trabaho. Nakaka offend sa boss mo kung ihahambing mo ang kanyang patakbo sa dati mong opisina. Dahil baguhan ka lang, dapat ay willing ka matuto ka kanilang polisiya at pamamalakad. Kung hindi, magdadalawang isip ang iyong boss kung bakit ka niya na-hire.



from You're Hired http://ift.tt/2wFNMAN
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss