Mga Bagay na Gusto ng Boss Mong Gawin Mo Pero Hindi Niya Kailangan Sasabihin

Mahirap talaga suriin ang isang boss. Minsan mabait siya tapos biglang mabagsik. Marami siyang nais na gawin mo pero hindi nya sasabihin.

1 Gusto niya maging leader ka

Maraming katungkulan ang iyong boss. Wala siyang panahon para intindihin ito lahat kung kayat may mga responsibilidad siyang inaatas sa iyo. Magkaroon ka ng kusang palo at gawin ang mga bagay na inaatas sa iyo at yung mga bagay na kaya mong gawin kahit hindi niya sinasabi sa iyo. Halimbawa, wag mo nang antayin na iremind ka nya sa iyong mga deadline. Unahan mo na siya. Tapusin mo ang mga quota or deadline mo ng maaga. Matutuwa ang boss mo sa iyo na hindi ka na kailangan subaybayan sa iyong trabaho. Magiging magandang ehemplo ka pa sa katrabaho mo.

2 Ipaalam mo sa kanila kung nahihirapan ka sa trabaho

Kung nahihirapan ka na sa iyong trabaho or hindi mo kaya matupad yung quota mo or deadline mo, ipaalam mo sa iyong boss. Mas matutuwa sila kung nalalaman nila kung ano ang nagiging problema mo kung kayat hindi ka nakaktrabaho ng maayos. Kapag hindi mo natutupad ang responsibilidad mo, apektado din sila. Mas gusto nila malaman kung ano ang problema para matulungan ka at mabigyan ito ng solusyon.

3 Dapat lagi kang “on time” at preparado

Walang oras ang boss para usisain bakit ka late or absent. Ang importante sa kanila ay dumating ka sa trabaho ng tamang oras at ginagawa mo yung trabaho mo ng tama sa oras.

4 Huwag kang matakot magtanong or magbigay ng mga solusyon
Kaya ka kinuha sa empleyo ng boss mo ay dahil nakita nila ang kakayahan mo na makakatulong sa kanilang negosyo. Mas matutuwa sila kung nakikita nilang interesado ka sa gawain kapag nagtatanung ka ng mga bagay na di mo alam gawin or para may karagdagan kang alam. Matutuwa din sila kapag nakakabigay ka ng mga solusyon or suhestiyon na makakabuti sa takbo ng kanilang negosyo.



from You're Hired http://ift.tt/2w4Qmju
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss