Mga Bagay na Matutunan Mo Kung Masbata Sa Yo ang Iyong Boss

Sa panahon ngayon, hindi na nakakagulat kung ang magiging boss mo ay masbata pa sa iyo. Huwag mo sanang mamasamain dahil marami ka rin matutunan sa kanila.

1 Kahit mas bata sa iyo ang boss mo, marami pa rin siyang alam
Ang boss ay naging boss dahil mas may malawak siyang kaalaman kaysa sa iyo. Isipin mo na lang na may matutunan ka sa kanya. Kung mabilis siya naging eksperto sa iyong trabaho, ibig sabihin niyan ay kaya mo rin gawin ito. Gawin mo siyang isang inspirasyon para umangat sa iyong karir.

2 May panahon pa rin para matuto
At hindi porket boss na siya ay hindi na siya huminto sa pagtuto ng nararapat. Kahit na masbata pa siya sa iyo, maraming pagkakataon na magkakatrabaho kayo. Maaring may maituro ka sa kanya na alam mo at maaring kabaligtaran – may maituturo siya sa iyo na hindi mo pa alam. Pag maganda ang relasyon mo sa iyong boss na pareho kayo nagbibigayan, malaki ang oportunidad mong ma-promote.

3 Kailangan paalalahanin mo sa iyong katrabaho na siya ang iyong boss
Dahil masbata ang iyong boss, may pagkakataon na ang iyong kapwa katrabaho ay nakakalimutan na siya ang iyong boss. Tulad ng pagsend ng email. Kung hindi nakasama ang pangalan ng boss mo, maaring ipaalala mo sa katrabaho mo na ilagay ang pangalan niya. Ito ay magandang gawain para maiwasan ang hindi pagkakaunawa sa pagtratrabaho. Pagdating sa mga malalaking desisyon, ang boss mo pa rin naman ang masusunod.
Hindi malaki ang pagkakaiba ng boss na masmatanda sa iyo at boss na masbata sa iyo. Ang naging pagkakaiba lamang ay edad na kung ituturing ay isa lamang numero. Ang importante ay nirerespeto mo siya bilang boss kahit anu pa man ang edad niya.



from You're Hired http://ift.tt/2vACFhe
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Freelancing?

Mga Trabahong Kailangan ng Board Exam or Licensure Test

Anung Gagawin Mo Pag Nasigawan Ka ni Boss